Chapter 1
I'm sitting in class, waiting for the bell to ring. I'm extremely tired because we had so much homework, activities, and papers last night that I overworked myself. I'm pursuing a Bachelor of Science in Business Administration. I'm in my third year and will graduate the following year.
When the bell rang, all my classmates go outside quickly. Nag-over time 'yung Prof namin kanina kaya gutom at pagod kaming lahat dito sa room.
I go to the cafeteria and there I saw my two friends busy doing their work. I sat down beside them.
"Tagal mo." Bored na sabi ni Sav sa akin nang makaupo ako.
"Tagal magpalabas ng prof." Inis rin na sabi ko.
Paano? Tinadtad na nga kami ng requirements ang tagal pang magpalabas.
"Grabe! Na-stress ako sa araw na 'to." Parang suko na sa buhay na sabi ni Bri habang pabagsak na nilapag ang librong hawak. Tinanggal din niya ang salamin niya dahil malabo na daw ang mata niya kakabasa.
She likes reading books pero hindi naman siya 'yung tipo na palaging may dalang libro saan man magpunta. She loves reading so much. Sometimes siya 'rin ang nagre-recommend sa 'kin ng magagandang books and giving me books as a gifts.
Um-order na ako ng pagkain ko. Tahimik kaming kumain, dahil kasi naman, tutok na tutok sila sa mga ginagawa nila. Kumakain sila pero nakatuon pa rin ang paningin sa ginagawa.
Si Sav tutok sa laptop niya at minsan sa cellphone niya. Si Bri ayon ganon din, nagbabasa ng lectures.
"Hangin lang ba ako dito?" Inis na sabi ko. Napatigil silang dalawa sa ginagawa at tumitig sa akin. "Pahinga muna kaya kayo." Sabi ko sakanila. "Kumakain kayo, oh." Sabi ko sabay turo sa pagkain nila.
Nag-peke ng ubo si Sav at pasimple namang sumipsip ng kape si Bri. Ayaw ko kasi na na-sstress ako. Ganoon ako sa sarili ko. I always make myself rest after doing so many works.
"Huwag masiyado magpa-stress, may namatay na d'yan." Biro ko sa kanila at ngumisi.
"Si Zia naman, madami pa kasi akong gagawin mamaya." Stress na sabi ni Bri habang nakahawak sa noo.
"Limits, uso 'yon, Bri." Sabi ko sakaniya
"Galit ka na niyan?" Tanong bigla ni Sav habang nililigpit ang gamit niya para simulang kumain.
"Galit? Sinong galit?" Tanong ko kunwari sa kanila.
"Tsh, hampasin kita jan eh." Inis na sabi niya sabay amba niya sa akin.
"Kayo kasi! Hindi lang tayo nagka-sama-sama nung nakaraan, in-stress niyo niya sarili niyo." Pagtatampo ko 'kuno sa kanila. Matagal na kasi nung makumpleto kaming magkaka-barkada. "Why don't we go out? Kung kailan kayo pwede," Excited na tanong ko sa kanila.
"Mag-isa ka." Sarkasitikong sabi ni Sav. "Dami-dami ko 'pang gagawin, eh."
"Ang init ng ulo mo. Two or three days lang, parang pahinga niyo na rin," Sabi ko. Ganiyan yan si Sav eh. Pabalang kung sumagot lagi. Pilosopo.
"Game ako diyan!" Excited na sabi ni Bri.
Bumalik na kami sa klase pare-parehas. Hindi kami magka-kaklase dahil syempre iba-iba kami ng building. Kaming tatlo lang si Sav at Bri ang magkakasama sa school na pinapasukan namin ngayon.
Sav is taking photography which is medyo malayo sa amin ni Bri kaya medyo naiiba ang schedule niya sa amin. Bri wants to become an event organizer that's why she takes BS in Tourism Management.
YOU ARE READING
Pain In My Heart
RandomLife Series #1 People go through so much pain trying to avoid pain. We don't want to feel the pain. We don't want to be hurt. Time doesn't heal emotional pain, you need to learn how to let go. Every pain serves as a lesson to us. We get hurt, we fee...