Chapter 28
Sa kotse na ako nagpalit ng damit dahil tinted naman 'to. Sinabi ko kay Mama na pupunta pa 'din ako sa dinner namin mamaya.
Wala naman akong magagawa, kahit anong gawin ko, magtatagpo at magtatagpo kami. Naiinis ako. Kahit kasi anong iwas ko na makatagpo sila, nagtatagpo pa 'rin kami.
Nakita 'kong sumunod sa'kin si Adler pero pinaandar ko na agad ang kotse ko at walang lingong umalis.
Lutang akong nag-drive sa loob ng isa't kalahating oras. Nakapatong lang ang braso ko sa bintana at isang kamay lang ang gamit sa pagda-drive.
Malapit lang sa bahay ang studio ni Allyson. Allyson also changed. She became more careful and concerned to people around her. Hindi nagbago ang pagiging maingay niya pero nabawasan naman.
Dahil nga gabi na, sarado na 'rin siya. Nakabukas pa 'rin ang ilaw at siya nalang mag-isa do'n. Pagpasok ko nakita ko kaagad siya.
"Eto na, palabas na. Inaayos ko lang 'to." Agad niyang sabi at nagmamadaling kinuha ang gamit niya.
Alam niya kasing ayokong pinaghihintay.
Her studio is simple. Puti ang pader at may matataas na bintana. May isang mahabang mesa sa dulo, which is kung saan pupwesto ang cashier. Nasa likod no'n ay pinto papasok sa mismong opisina niya.
May dalawang mannequin at do'n nakalagay ang best sellers niyang damit. Ang iba naman ay nakasampay.
"Ang bagal mo," Singhal ko nang makalapit siya sa'kin sa pinto.
Sabay kaming sumakay sa kotse at tahimik na bumyahe. Naka-earphone lang si Allyson habang ako ay lutang pa 'rin.
Kanina ko pa iniisip na sa dinami-daming lugat dito sa pilipinas, bakit do'n pa kami nagkita? Bakit sa paboritong lugar ko pa?
Walang emosyon akong bumaba ng kotse. Si Allyson naman ay naka-earphone pa 'din. Pinagbuksan kami ng maid ng pinto . Pinauna ko si Allyson.
Dumiretso kami sa dining area. Hindi ko siya nilingon. Diretso lang akong nakatingin sa dinadaanan ko bago umupo sa upuan ko.
Nilagyan ako ng maid ng juice.
"Tubig na lang ako," Mahinahong sabi ko sa maid.
"Sige po, Ma'am." Sabi niya at agad akong sinalinan ng tubig.
Tahimik lang kami sa loob ng ilang minuto. Tanging mga tunog lang ng plato at kubyertos ang maririnig. Dahil naiinis ako sa katahimikan ay ako na ang bumasag no'n.
"Anong ginagawa mo dito?"
Lahat sila napalingon sa'kin nang magsalita ko. Nanatili lang akong nakatingin sa kinakain ko at hindi sila nilingon.
"Tinatanong ka ng anak mo," Masungit na sabi ni Mama.
Tumikhim siya at ibinaba ang kubyertos. "I've heard that you had a heart disease," I heard his throaty voice. His voice sound is low and seems to come from deep in his throat.
Padabog 'kong binaba ang kubyertos ko. "I am completely healed now. Bakit ngayon ka pa bumalik?" Sarkastikong sabi ko at mataray siyang tinignan.
Sa tabi ko, nakita 'kong napatigil si Allyson sa pag-kain. Nahimigan niya ang pagka-inis sa boses tono ko .
"N-Ngayon ko lang nalaman. I'm sorry." He sounded sincere.
Tangina. Sorry na naman.
Hindi ko siya sinagot at tumuloy sa pagkain. Nang matapos ako, naisipan 'kong mag-stay muna saglit sa veranda. Nagpatimpla ako ng kape at tahimik na gumawa ng trabaho do'n.
YOU ARE READING
Pain In My Heart
RandomLife Series #1 People go through so much pain trying to avoid pain. We don't want to feel the pain. We don't want to be hurt. Time doesn't heal emotional pain, you need to learn how to let go. Every pain serves as a lesson to us. We get hurt, we fee...