23

67 8 0
                                    

Chapter 23

I can't wait to Adler 'cause I fell asleep in his bed. The smell of his room comforts me a lot. I fell asleep while deep thinking. I didn't even know that I fell asleep. Napaginipan ko pa kung anong iniisip ko.

I woke up when I felt someone was hugging me behind. I opened my eyes and look behind, and there I saw my man sleeping peacefully. I smiled and held his chin, I caressed it softly for him not to wake up. He looks really tired. He slowly opened his eyes and he looks at me directly. I smiled at him. 

"Go to sleep again, I know you're tired." I said smiling. I kissed him in the cheeks and hugged him tighter as I go to sleep too.

I woke up first and I decided to take a shower, I wore his smallest shirt but it's still big to me. Nang matapos ako ay tulog pa 'rin si Adler kaya napagdesisyunan 'kong bumaba. Para akong tanga na nagtatago at sinisilip pa ang bawat dadaanan ko dahil nahihiya ako.

"Ma'am?" Biglang may nagsalita sa likod ko kaya napaigtad ako sa gulat. "Mag-aalmusal po ba kayo?" Tanong ng kasambahay. Parang hindi nga ito kasambahay dahil simple ang suot nito. Hindi sila 'yung mga naka-uniporme pa.

"A-Ahh," Nahihiya 'kong tugon.

"Huwag po kayo mag-alala, maaga 'pong umaalis ang mga tao dito. Pwede na po kayong mag-almusal sa baba." Nakangiting aniya.

"Pwede po 'bang sa kwarto na lang ako kumain?" Mahinang tanong ko.

"Oo naman po, Ma'am." Nakangiti pa 'ring aniya.

Nailang ako bigla sa pagtawag niya sa'kin. "Zia na lang ho," Nahihiya 'kong tugon.

Naiilang ako kapag tinatawag ako ng gano'n. Hindi pa naman ako gano'n katanda pero 'Ma'am' na ang tawag sakin. Pakiramdam ko ang galang masyado no'n.

"Sige po," Nakangiting aniya.

"Pwede po 'bang...uh...padalhan 'din ng pagkain si Adler? Gigisingin ko na 'rin po siya."

"Naku, oo! Anong oras na nakauwi ang batang iyong kagabi at nakalimutan kumain. Hindi pa naman niya naubos ang hinanda ng tatay niya sa kaniya kagabi." Nag-aalalang sabi niya at napakamot pa ng ulo.

Pumasok ulit ako sa kwarto at nag-message kila Mama dahil palagay 'kong nag-aalala na 'yon dahil hindi ako nakauwi. Dinahilan 'kong may emergency na nangyari dito kagabi. Pwede naman kasi akong umuwi agad pero hindi ako nagpa-uwi.

May kumatok sa kwarto kaya agad-agad 'kong binuksan ang pinto. May dalang tray si Ate at nilapag niya iyon sa katabing mesa ng kama ni Adler. Nagpasalamat ako sa kaniya bago siya umalis.

Umupo ako sa tabi ni Adler at ginising siya. "Adler..." Pagtawag ko sa kaniya sa mahinang boses. Hindi siya sumagot at nanatiling tulog kaya naman sinamahan ko ng pagtapik sa mukha niya. "Adler..."

Napangiti ako nang unti-unting gumalaw ang mata niya. Nang magmulat siya ay mas lalo pa akong napangiti nang masilayan ang mapupungay niyang mata.

"Wake up now, breakfast is here." Mahinang tugon ko.

Kumunot ang noo niya. "You cook for me?" Inaantok na aniya. Tinaasan ko siya ang kilay kaya may naalala siya. "Oh...I forgot you can't cook." Napahawak pa siya sa noo nang sabihin niya 'yon.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Mag-aaral akong magluto para sa'yo," Sarkastiko 'kong tugon.

Agad siyang nagulat sa tono ng pananalita ko kaya nag-iba siya ng ekspresyon. "Nagbibiro lang ako," Parang batang sabi niya at ngumuso pa.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-ngiti ko. Nakikita ko na naman ang dimples niyang kay lalim. Cute nito!

"Oo na! Sinabi nang 'wag mo ipapakita 'yang dimples mo, eh!" Singhal ko sa kaniya.

Pain In My HeartWhere stories live. Discover now