15

79 12 1
                                    

Chapter 15

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko. Naramdaman ko na hindi na siya sumusunod sa akin kaya hindi na 'rin ako lumingon.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok. Napatigil ako dahil nandoon 'din si Sav at nag-aayos ng gamit niya. Hindi ko alam kung paano siya nakapunta dito nang hindi ko siya nakakasalubong.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa cabinet para ayusin ang mga gamit ko. Nilagay ko ang maleta ko sa kama at binuksan yo'n. Kaunti lang naman ang gamit ko kaya agad ako'ng natapos.

Nakita kong binabagalan ni Sav ang pag-impake ng gamit niya kaya mas nauna pa ako sa kaniya. Binitbit ko ang maleta ko at lumakad palabas.

Bago ko pa mahawakan ang doorknob ay tinawag niya ako.

"Zia.." Mahinang tawag niya sa akin.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko'ng tapos na siya sa pag-impake ng gamit niya. Hindi ako nagsalita at hinintay siya'ng magsalita.

"Galit ka pa ba?" Mahinahong tanong niya. Hindi mo siya kakikitaan ng kaba o takot dahil lang sa magka-away kami.

"Ewan ko." Tipid kong sagot. Hindi ko 'rin kasi alam kung galit ba ako. Basta ayaw ko lang muna siya'ng pansinin.

Lumapit siya sa akin pero nanatili ako sa posisyon ko. Nanlaki ang mata ko nang binatukan niya ako.

"'Wag ka nang magalit." Natatawang aniya.

"Para saan yo'n?!" Gulat ko'ng tanong habang nakahawak sa ulo ko'ng binatukan niya.

"Ang drama mo! Pwede ka nang mag-artista."

"Ano naman?" Ngumiwi ako.

Sav is the type of friend that will not apologize even if she makes a mistake, but you will sense that she means it when she says, "Don't get mad anymore." She simply does not want to apologize since it is against her law. 

"Hindi raw sinabi ni Tita sa Papa mo." Biglang sabi niya. 

"Pero mas mahihirapan pa 'rin si Mama, Sav. Alam 'kong ginawa niya yon para sa akin na naman." 

"I know. But I know Tita, Zia. I know she doesn't love your father anymore. Kayo na ni Allyson ang importante sa kaniya." 

Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita. May point siya. Pero hindi ko alam dahil hindi ako kampante. "I'm sorry too, Sav."

She smiled at me. "Tara na." Aya niya at kinuha ang hawak ko'ng maleta. Binuksan niya ang pinto at lumbas na. Sumunod naman ako sa kaniya.

Bumaba na kami sa lobby at nandon na silang lahat maliban kay Adler na hindi ko alam kung nasaan. Nakaupo lang sila do'n sa waiting area at nagpipindot ng cellphone.

Umupo kami ni Sav sa tabi nila.

"Narinig ko kayo ni Adler kanina." Biglang sabi ni Sav sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya. "Liligawan ka na daw niya, ah." Nang-aasar na sabi niya at sinadyang iparinig sa iba.

"Ano?!" Gulat na sigaw ni Bri. Dahil sa lakas ng boses niya napatingintuloy sa amin 'yung ibang tao.

"Hoy! Bunganga mo nga! Ang ingay mo." Sita sa kaniya ni Vince.

"Pakialam mo ba?!" Singhal sa kaniya ni Bri.

"Zia niyo dalaga na." Nang-aasar na sabi ni Ivy.

Magsasalita sana ako para umapila pero sumingit si Daine. "Sagutin mo na agad, Zia!" Isa pa siya! May hampas pa'ng kasama.

Pain In My HeartWhere stories live. Discover now