21

66 9 0
                                    

Chapter 21

I messaged Adler and thank him with the picture of me wearing the necklace he gave. The necklace is exactly right for me and the necklace fits my complexion. I looked at myself in the mirror several times while wearing the necklace and holding the pendant. I look like crazy because I'm smiling in the mirror while looking at the necklace.

Tapos na ang sembreak at last week lang kami nagbakasyon. Ngyong week namin balak pag-usapan kung anong gagawin sa birthday ni Vince dahil busy kami sa mismong araw ng birthday niya. Hindi kami sama-sama no'n kaya late na kami magce-celebrate.

Friday na ngayon at naririto na kami sa bahay naming magkakaibigan. Dito namin napag-desisyunan na i-celebrate dahil dito ang gusto ng birthday celebrant, baka daw kasi lumandi si Bri kapag nag-bar pa kami.

Dito kami sa bar sa 3rd floor tumambay para iwas gastos na 'rin. Syempre, si Cassy ang may sagot sa inumin. Si Bri naman ang taga-ayos ng gagawin sa party, kasi syempre, soon to be event organizer siya. T'saka wala naman nang ibang marunong mag-plano ng party dito sa'min.

Nandito kami ulit sa couch na U-shape. Katabi ko si Adler sa kaliwa at sa kanan naman si Ivy. Binalingan ko si Ivy habang inaayos niya ang mga shot. She's good at mixing drinks.

"Hindi ka ba busy ngayon?" Tanong ko sa kaniya dahil syempre, magdo-doctor siya, mahirap 'yon.

Nagkibit-balikat siya. "Busy. Pero sanay naman na 'ko sa puyatan kaya mamayang madaling araw na 'ko mag-aaral ulit." Sabi niya habang patuloy pa 'rin sa pag-mi-mix ng drinks. "T'saka, sulitin na natin 'to, next month finals na."

Finals. It's like I don't want that to come yet. Not because it's hard. After the finals, I will be in my fourth year. It's only a matter of time and I'll leave them. I'm not ready to tell Adler yet. I wasn't ready to tell him I was leaving, and I was sick.

It's too early to think of it, yes. But I just couldn't stop thinking about it. I'm scared.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sa kaniya. Tama bang 'wag ko na munang sabihin? O mas tamang sabihin ko? Unfair man na hindi ko sabihin pero paano na lang ang mararamdaman ko?

I don't want to leave him. I don't want to leave them. With them I learned to be strong because I was so weak then. They are my source of strength in times when I am very weak, in times when I am no longer capable.

Pero paano kung sila ang kailangan 'kong iwan? Kanino na ako kukuha ng lakas?

Napabalik ako sa reyalidad nang yakapin ako sa beywang ni Adler habang nakaupo kami.

"What are you thinking?" Nag-aalalang tugon niya.

Nginitian ko siya ng alanganin. "Malapit na pala 'yung finals." Kunwaring rason ko. Totoo namang ayoko pang mag-finals.

Nginitian niya 'rin ako ngunit mas malaki ang ngiti niya.

"I'm sure you'll pass," Masayang tugon niya.

Sinimangutan ko siya. "Bakit? Sinasabi mo ba na babagsak ako?" Parang naghahamon 'kong sabi kaya tinawanan niya ako.

"No." Natatawang aniya. "Saan ka ba nahihirapan?" Tanong niya.

Nahihirapan akong iwan ka.

Nag-isip ako kunwari. "Math," Agad 'kong sagot dahil 'yon naman talaga ang unang pumasok sa isip ko.

Tumaas ang kilay niya. "Before finals, let's review together. I will teach you in math."

"Hmm. Kailangan nga kita," Natatawang tugon ko dahil ilang beses ko mang sinubukang aralin at intindihin ang math, I always ended up asking help to Mama.

Pain In My HeartWhere stories live. Discover now