Chapter 20: Away Bati

650 7 9
                                    

A/N

Happy Valentine's Day! Dahil valentine's ngayon at wala akong kadate at wala ding  nagbigay ng flowers sakin eh mag-a-update ako! Yehey! Walang konek! HAHA. Pasensya na po dahil inamag na ang kwentong ito. Masyado lang pong busy sa pagaaral ang author ay este tinatamad pala. Haha. Salamat sa paghihintay. Sana magustuhan nyo :)

 Taas ang paa ng SINGLE! haha :D

:: Chapter 20: Away Bati ::

[ Alex' POV ]

"Alex?!" sigaw ni Marco pagkapasok ko sa kwarto. Nasa kamay nya yung cellphone ko. Alaaa baka nakita nya yung secret folder ko sa gallery.

Yung mga pictures ni kwan ang nandun. Oh my gall bladder!

Dali dali akong pumunta sa harapan nya at hinablot yung cellphone ko na parang magnanakaw sa bilis.

"Hoy ikaw! Cellphone ko 'to, anong ginagawa mo ha?" pagtatanong ko sa kanya na may kasamang turo ng pointing finger ko kaya lang iniwasan nya yun at sinabing "Ha? Sino? Wala ka namang tinuturo ah? Hehe." nakuha pa talagang mag joke ng loko.

"Ikaw talagaaaa!" akmang sasapakin ko na sana sya kaya lang bigla syang tumayo at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Alex, relaaaaax. Chill lang. Wag masyado mainit ang ulo. Sige ka, papanget ka nyan." napataas na lang ang kilay ko. Ano naman kayang pinagsasasabe ng lokong 'to? Hinigit ko yung kamay ko.

"Relax mo mukha mo! Pakelamero ka eh!" Nagiinit na ulo ko, umuusok na tenga ko. Nawawala na ang feminine side ko at lumalabas na ang pagkalalake ko. Papatulan ko na 'to!

"Tinitingnan ko lang naman kung sinong may ari nyan eh." Giit niya. weeeh? maniwala sayo? Tumaas na din yung isang kilay ko.

Tiningnan ko cp ko. . . .

Tinggal ang keypad lock. . . . .

Hmmm nasa gallery. . . .

-____-

o___O

O___o

O___O

Gallery??!!! Nakatapat pa dun sa album ko na secret!! Syete otso nuebe dyis!!

"O-oy! Bakit nasa gallery 'to ha? Anong binbalak mong tingnan?"

"Ha? Bakit? Bakit? Ano yun? Wala akong balak haaa. Tinitingnan ko lang naman pictures mo eh."

"Oh eh di nangengeelam ka nga! Tssss! Anong mga nakita mo ha? ANO?!" Tapos hinawakan ko yung collar ng damit nya.

"W-wala! Wala pa akong nakikita. Promise!" tapos itinaas nya ang kanyang kanang kamay sa ayos ng panunumpa. Panatang makabayan . HAHA! joke lang.

BF - BestFriend or BoyFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon