:: Chapter 13: Group Meeting ::
[Marco's POV]
Kami ni Alex ang napiling bida ni Rose para sa aming play na tungkol sa pagmamahalan.
Tutol ako dito eh kaya lang baka walang gumawa ng ibang kwento kaya sumangayon na lang ako kay Rose. Galit pa naman sa akin si Alex. Haaay.
"Class ang petsa ng inyong pagtatanghal ay sa ika-15 ng Agosto 2012, sa araw ng miyerkules sa ganap na alas nuebe ng umaga sa freedom hall. Ito ay isang grand play kaya kayo ay binibigyan ko ng mahabang panahon upang makapag ensayo. Meron pa kayong isang buwan at mahigit upang buuin ang inyong mga play. Aking inaasahan ang maganda nyong pagtatanghal sa kadahilanang kayo ay nasa ika apat na baitang na ng mataas na paaralan. Maraming beses na kayong gumawa ng ganitong klaseng play sa inyong mga silid aralan."
"At ang mga sumusunod ay ang criteria para sa inyong magiging grade sa project na ito." sabi ni mam orayan.
1. Originality
2. Creativity
3. Character
4. Theme
"Guys itanim nyo sa inyong mga utak na kailangang kailangan nating galingan ang performance natin sa play na ito, lalo na kayo Marco at Alex." sabi ni Rose
Grabe naman ang pressure ng project na ito.. Sana magkabati na kami ni Alex para maisagawa namin ng maayos 'to.
"Makakaasa ka sa akin Rose, ewan ko lang sa lalaking ito." sabay tingin ni Alex sa akin na may panlilisik ng mata. Nakakatakot. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Tss.
"Aba Rose, hindi mo natatanong pero magaling yata akong umarte, hindi katulad ng iba dyan." sabay siniringan ko si Alex. Tapos nagkasabay pa kami na pumaling, AMP!
"Huy naman, magbati na kayong dalwa, hindi tayo makakapagsimula kung ganyan kayo." sabi ni John.
"AYAW!" sagot namin ni Alex.
"Oh sya ganito na lang. Mag friendly handshake na lang kayo.. Deal?" sabi ni Zivanna.
Hmmmmmmm..
Nagtinginan kami ni Alex at kinalaunan ay nagkamayan na rin.
BINABASA MO ANG
BF - BestFriend or BoyFriend
Teen FictionLast year of high school na ni Alex and her memories were slowly flashing back. Ang kanyang tropa na araw araw niyang kasama, ang mga kaklase na magugulo at mga guro na minsan ay namumura sila. Pero ang hinding hindi niya malilimutan ay ang dalwa ny...