:: Chapter 18: Confused ::
[ ALEX POV ]
"I'm sorry talaga and I like . . . you." yan ang sinabi ni Marco habang nakatalikod ako sa kanya at nakahiga sa kama.
"Haha, ano ba 'tong ginagawa ko? Kinakausap ko ang isang tulog. Nababaliw na talaga ako." dugtong niya.
DUG DUG, DUG DUG....
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Iminulat ko ang mata ko at biglang nanigas ang katawan ko sa sinabi nya.
Hindi ko alam kung ano ang mararamadan ko. Natutuwa ako kasi nag-sorry na sya. Pero nung sinabi nyang gu-gusto nya daw ako, ibang usapan na yun eh.
Bakit ba naman kasi nya sinabi yun. Anak ng tokwa naman oh. Nasisiraan na ba sya ng ulo? Like agad agad? Nagmamadali? May pupuntahan?
Maya-maya'y naramdaman kong umalis na siya ng kwarto.
"Wooh." Nakahinga na ako ng maluwag at nakagalaw na ako ng maayos
Ano bang pumasok sa kokote ng taong yun at sinabi nya yun? Sino namang magkakagusto sa akin na simpleng tao lang, boyish, fashion terrorist at higit sa lahat maiksi ang buhok! Anu baaa. Nakakaloka sya grabe.
Nagpagulong-gulong ako sa kama. Ikot dito, ikot doon. Ginugulo ko na yung buhok ko kasi gulong gulo talaga ako! Arrrrg.
Bumalikwas ako. Inisip ko na haharapin ko si Marco kaya lang pagginawa ko yun malalaman nyang hindi ako natutulog kanina at narinig ko lahat ng sinabi nya. Naman oh!
Ganito na lang. Kunyare galit pa din ako sa kanya, parang normal na kilos ko lang noong hindi pa sya nakakahingi ng sorry at di nya pa nasasabi yung.... AY! Naiisip ko palang nawiwindang na ako! Grrrr.
Ok Alex. Focus! Kaya mo yan! Act normal..
*****
Bumalik ako sa lugar kung saan kami nagpapraktis
Nakita ko si Marco sa isang sulok, napatingin ako sa kanyang mga mata at ganun din naman sya.
DUG DUG, DUG DUG
Nagbalik nanaman sa akin yung sinabi nya. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Feeling ko nag-bablush ako pero hindi pwede yon. Hindeee!
Nakita ko ang tropang L sa kalayuan, sina John, Karizza, Rose at Zivanna. Tropang L kasi ahmmm.. Liiiiiii....gaya! yown! Kala nyo kung ano noh? haha
Agad akong pumunta sa kanila na itsurang hiyang-hiya na parang naiihi na kung ano ba ga. Basta di ko ma-explain ang itsura ko.
BINABASA MO ANG
BF - BestFriend or BoyFriend
Novela JuvenilLast year of high school na ni Alex and her memories were slowly flashing back. Ang kanyang tropa na araw araw niyang kasama, ang mga kaklase na magugulo at mga guro na minsan ay namumura sila. Pero ang hinding hindi niya malilimutan ay ang dalwa ny...