This chapter is dedicated to Katrin_Purple12
:: Chapter 17: Confession ::
[ ALEX POV ]
Lumapit nga sya at hinalkan ang daliri nyang nakalapat sa labi ko.
"Kyaaaaaa! Yiiiiiii! Wiwowiwowiwo!" Irit ng mga kagrupo namin.
Wang wang lang? Huy bawal ang wang wang sabi ni Pnoy.
O_O
OMG!
Muntik na!
Nanlaki ang mata ko tapos sinuntok ko si Marco sa braso sa lakas na kaya ko. Nakakainis eh.!!
Di pa nga kami nagkakabati dahil nung pagkakamalimutin nya tapos eto gagawin nya sakin ngayon? Nakakapanggalaiti grabeee..
Pagkatapos ko syang suntukin, walk out ako syempre. Kakahiya kaya.!!
NBSB ako, never been kissed and never ever been touched. Ngayon lang, muntikan lang naman.
Nagpunta ulit ako dun sa kwarto na natagpuan ko kanina. Naupo ako sa kama at pilit kong kinalma ang aking sarili.
Naku kung hindi ako kakalma baka nagliparan na itong mga gamit dito. Hindi naman ako wild eh, minsan lang talaga hindi ko makontrol.
"Breathe in, breathe out, in, out, in, out, am I in or out? Am I in or out? . . . Ay hindi pala, kanta na pala yun. Hehe" napatawa nalang ako sa katangahan ko.
Sa sobrang pag-iisip ko ng mga bagay bagay, napagod yung utak ko. Ayos diba. Saka napagod din kaya ako kanina nung kinukuha ni Marco ung picture nya. . . Speaking of picture, nasan na ba yun. Nagpatak ata eh.
Tumayo ako. Nagpalinga linga sa buong kwarto, hinahanap yung picture.
"Nasan na ba yun? Hmmmm..."
Lumuhod ako sa sahig tapos sinilip ko yung ilalim ng kama.
"Ayun! Pano napunta dito yun??? Oh well bayae na. Haha ampangit ni Marco! Nakakatawa talaga grabe Hahaha."
Bata pa kasi sya dun sa picture, mga grade 2 siguro? Ang itim itim nya dun tapos ang gupit ng buhok parang bao. Ang sagwa talaga, hindi mo aakalain magiging gwapo sya ngayon, maputi, macho, cool pa ang hairstyle.
Teka teka bakit ko ba pinupuri yung mokong na yun? Ewwwww.. Kaderders
Ting!!
May naisip akong pangganti kay Marco. Bwahahaha. Ikakalat ko sa buong campus itong picture nya bwahaha. Ang galing mo talaga Alex, you're a genius!
Haaaay. Kakapagod pala tumawa. Makahiga nga muna dine sa kama. Bahala na sila magpraktis dun ng wala ako. Tsk.
[ MARCO'S POV ]
PLOK!
Sinuntok ako ni Alex sa braso, hindi naman masakit eh, mahina kasi siya sumuntok or malakas lang ako sadya? Joke!
Tapos nag walk out sya. Drama much lang? Bakit naman sya magagalit ng ganun eh hindi ko naman talaga sya hinalikan. Ang arte ah.
Tumingin ako sa mga kagrupo namin. Kanina nagtitilian sila pero ngayon ganito na itsura nila...
0_0 0_0 0_0 0_0 0_0 0_0
Waaaw. In a state of shock lahat?
Tapos lumapit sakin si Karizza.
"Lagot ka Marco, pinaiyak mo si Alex. Dami dami mo pang kasalanan dun sa tao tapos gaganunin mo lang? Tss." Sabi niya
"At bakit naman ako malalagot? Tali ba ako ha? Maninisi ka ngayon, eh umirit ka din naman kanina ah." Pamimilosopo ko sa kanya.
Siniringan ako ng ganto oh >_>
Tapos umalis. Tiklop sya ah..
Pumunta muna ako sa isang tabi at naupo sa upuan. Iniisip ko kung tama yung ginawa ko kay Alex.
Maya maya lumapit sa akin si Rose, yung leader ng grupo namin.
"Marco sundan mo kaya si Alex tapos mag sorry ka." Sabi niya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Eh kasi mali yung ginawa mo. NBSB yung tao, hindi pa nakakaranas ng mga bagay na ganun un."
"Yun? NBSB? Halata nga. Buhok.at kilos nya pa lang eh."
"Oh yan ka nanaman, hindi ka pa nga nag ssorry dun sa ginawa mo dati eh"
"Ano ba talaga yung nagawa ko at galit na galit yung babaeng yun sa akin?"
"Wala ka talagang kaide-ideya?"
"Wala. Magtatanong ba naman ako kung alam ko? Anu baaaaa..."
"Tsss. Tanda mo ba yung sa clinic? Hindi naka-attend ng klase si Alex nun kasi nung kasagsagan ng lagnat mo eh sinabi mo sa kanya na wag muna syang umalis. Tapos nakalimutan mo yun. Sya pa itong sinisi mo kung bakit di sya naka-attend. Kasalanan mo yun diba."
"Ahhh un pala."
"Oh sya mag sorry ka na sa kanya Marco."
"Ehhhhh... Ihhhhh... -___- Oo na, oo na. Pupuntahan na." Sabi ko.
Pumasok ako ng bahay. Hinanap ko si Alex. Pumunta ako sa CR baka nandun pero wala. Nagpunta ako sa living room, wala pa rin. Tiningnan ko rin sa terrace pero wala pa din. . .
Nasan kaya yun???
TING! Aha!
Pumunta ako sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Sumilip muna ako. Ayun nandun nga si Alex. Nakahiga sya at sa kabilang side naka paling. Hindi ko kita ang kanyang muka. Tulog ata, hindi naibo eh.
Tuluyan na ako pumasok sa kwarto, naupo sa sahig at sumandal sa kama.
"Alex pasensya na kanina ah, ikaw kasi ayaw mo ipakita yung tinatago mo. Napikon ako kaya naisipan kong gumanti. Hindi ko naman alam na ganun pala ang sitwasyon mo. Saka yung nung sa clinic, hindi ko talaga tanda yun promise. Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko. I'm sorry talaga and I . . .
. . . .
. . . .
. . . .
I like you. "
A/N
Ohaaaa.. Ayos ba? haha!
Madlang readers mag-comment po sana kayo sa kung ano ang naging reaction nyo sa update na ito or any suggestions po. Para po ito sa ikagaganda ng mga susunod ko pa pong gagawing mga kwento.
Mag-vote na rin po sana kayo..
Salamat ng marami.
Comment ah.. ^____^
update after 10 votes and 5 comments..
BINABASA MO ANG
BF - BestFriend or BoyFriend
Fiksi RemajaLast year of high school na ni Alex and her memories were slowly flashing back. Ang kanyang tropa na araw araw niyang kasama, ang mga kaklase na magugulo at mga guro na minsan ay namumura sila. Pero ang hinding hindi niya malilimutan ay ang dalwa ny...