Chapter 12: Groupings

770 15 12
                                    


:: Chapter 12: Groupings ::



[ALEX POV]

Kinuha ko ang ballpen mula sa kanya pero bago ko ito makuha, hinawakan nya ang aking kamay.

“Alex bakit mo ba ako iniiwasan?” tanong niya.

“Eh kasi galit ako sayo.” Sagot ko

“Bakit ka ba nagalit sa akin?” tanong niya sa akin

"Eh kasi makakalimutin ka! Bitawan mo nga ang kamay ko!"  tapos itinapon ko yung kamay nya.

Kinuha ko na yung ballpen ko at tumalikod sa kanya. Tapos dumating na yung teacher namin sa Filipino. Si Mam Orayan.

"Magandang umaga Kurage!" Kurage ang tawag sa amin ni Mam kasi yun ang tinagalog na pangalan ng section namin. Kami talaga ay ang IV - Courage!

"Magandang umaga din po Mam." sagot nila. Ako tahimik lang. Iniisip ko pa rin kasi kung sasabihin ko kay Marco kung bakit ako galit sa kanya. Haaaay.

"Class para sa inyong proyekto ngayong 1st grading ay isang play!"

"Ehhhhhhhhhh??" sabi ng buong klase. Nakakatamad naman kasi gumawa ng play. Una gagawa ka ng kwento, tapos pipili ng characters, tapos sasauluhin mo yung lines mo, tapos hahanap ka ng costume, tapos dapat pag na-acting ka eh in character ka. Naku, sakit sa ulo nanaman ito.. -____-

“Kayo ay hahatiin ko sa dalawang grupo.” Sabi ni Mam.

Group 1

Ian

Keith

Jhustine

Aimee

Mia

Kevin

Jessy

Etc.

Group 2

John

Mae

Rose

Zivanna

Jason

Aurelio

Francis

Marco

Alex

Etc.

Ano? Magka-grupo kami ni Marco? Pagminamalas ka nga naman oh. 


Tumingin ako kay Marco tapos siniringan ko sya.. Tss.. -_____-  


Hindi ko pa ka-grupo yung bestfriend ko, buti na lang kasama ko sina Mae, yung mga kabarkada ko.



"Okay class meron bang hindi natawag? Maliwanag ba sa inyo ang groupings nyo?"

"Opo..." sagot ng buong klase na parang nanghihina at walang energy.

"Class isusulat ko sa pisara ang mga dapat ninyong gawin, paki-kopya nito sa inyong mga kuwaderno."

1. Gumawa ng kwento.

2. Pumili sa grupo kung sino ang mga karakter na kanilang gagampanan.

3. Paghati-hatiin ang mga dapat gawin sa mga myembro katulad ng paggawa ng props at paghahanap ng costume.

4. Sauluhin ang mga linya at ang pagkakasunod-sunod ng kwento.

5. Magkaisa at i-enjoy ang paggawa ng play na ito.

"Maliwanag ba class? Pumunta kayo ngayon sa inyong mga grupo at pagusapan ng mabuti kung ano ang inyong mga dapat gawin." utos ni mam.

Nagsitayuan ang aking mga kaklase, inipod nila ang kanilang mga upuan at nagsimulang umingay ang klase.

Samantalang ako, si Marco at Kevin ay hindi naiingling tumayo sa aming mga upuan. Para bang ang bibigat ng mga pwet namin. 

Makatayo na nga, wala na akong magagawa eh.


Tumingin ako kay Kevin at tumingin rin naman siya sa akin. Napabuntunghininga ako at tumango sa kanya.

..................................

Gumawa ang grupo namin ng bilog mula sa aming mga upuan at nag-usap usap.

Sumunud na rin sa grupo namin si Marco at sa tabi ko pa talaga sumiksik. Anu ba yan! Grr..

"Guys ako na ang magvovolunteer na gumawa ng script natin. Iniisip ko na love story ang gawin tapos basta ako na ang bahala. Tapos ang gusto ko sanang maging bida ay si Alex at Marco!. Ok lang ba sa inyo?" tanong ni Rose.

"Ano?!! Kame??!!" tapos nagkatinginan kami ni Marco...

Vote nyo po kung inyong nagustahan, Comment po kayo kung may gustong sabihin. Salamat sa pagbabasa ^__^

BF - BestFriend or BoyFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon