This chapter is dedicated to Ms. Aina Arevalo.
:: Chapter 14: Bestfriends ::
[Alex POV]
Kami ni Marco ang napiling bida ng leader namin sa gagawin naming play.
Nakakainis naman itong si Rose eh.
May iba naman mas magaling sa akin umarte pero ako pinili. Grrr!
Pero wala na akong magagawa eh. Yun ang gusto nila.
Gagawin ko na lang ang best ko at pansamantalang cease fire muna ang awayan namin ni Marco para maging maganda ang play namin.
Sa August 15 daw ang play namin. Sa araw ng birthday ko mismo.
Wala pang nakakaalam sa klase na birthday ko sa araw na iyon. Wala pa naman kasi akong pinagsasabihan sa kanila.
Kahit ang bestfriend kong si Kevin hindi pa alam. Kasi nga naging mabilis ang pagiging magbestfriend namin.
Ganon naman ang nangyayari sa panahon ngayon di ba?
Baka mamaya pagkatapos ng klase sabihin ko yun sa kanya.
.............................................
Natapos na nga ang meeting ng grupo namin.
Dahil nga gumawa kami ng bilog gamit ang aming mga upuan, kailangan namin itong higitin pabalik sa aming pwesto. Kaya lang maingay.
Itong si Marco tinulungan akong ibalik yung silya ko sa pwesto.
"Akin na yan." kinuha nya yung upuan ko.
Akala ko naging mabait na sya kasi nga PEACE na muna kami.. Mali pala ang akala ko.
"Kinuha ko ito hindi dahil gusto kitang tulungan. Kinuha ko 'to kasi ang ingay sa tenga, kuha mo?" sabi nya sa akin ng pabalang.
"Oo kuha ko, SALAMAT HA!!" pasigaw kong sinabi. Nakakainis eh! Grr.!
Kung kaya lang kitang tirisin! Naku natiris na kita kanina pa!
.........................................
Nakabalik na ang lahat sa kani-kanilang pwesto.
"Oh pag-igihan nyo ng mabuti ang practice ha. Practice makes perfect. Class dismiss!" sabi ni Mam Orayan.
Habang naghihintay ng sunod na teacher, nag-usap muna kami ni Kevin.
Now playing : Tik Tok by 2pm ft. Yoon Eun Hye (play the video on the right side) --->

BINABASA MO ANG
BF - BestFriend or BoyFriend
Teen FictionLast year of high school na ni Alex and her memories were slowly flashing back. Ang kanyang tropa na araw araw niyang kasama, ang mga kaklase na magugulo at mga guro na minsan ay namumura sila. Pero ang hinding hindi niya malilimutan ay ang dalwa ny...