Chapter 8: Panaginip

930 14 20
                                    

:: Chapter 8: Panaginip ::

[ALEX POV]

"MAM SI MARCO PO..!!!"

"Oh bakit Alex? Anong problema kay Marco?"

"Sobrang init po ng katawan nya, nilalagnat po ata."

"Naku! Samahan mo muna syang pumunta sa Clinic upang matingnan ng Nurse."

"Sige po Mam.. Marco gising, kaya mo bang tumayo? Tara sa clinic, aalalayan kita."

Umulong sya at dahan dahang tumayo.

Akin siyang inalalayan sa paglalakad.

Pinaakbay ko sya sa akin at hinawakan ko ang kanyang baywang upang hindi sya mawalan ng balanse.

Hinang hina kasi sya.

Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Kailangan na nya talagang uminom ng gamot.

"Marco, konting lakad na lang malapit na tayo sa clinic."

Nang makarating kami sa clinic agad ko siyang inihiga sa isa sa mga kama.

Inasikaso agad sya ng nurse doon pero nasa tabi nya pa rin ako.

"Ineng anong nangyari sa kasama mo?"

"Nilalagnat po sya. Sobrang init po ng temperatura ng kanyang katawan."

"Ganun ba, oh sya dito muna sya sa clinic hanggang sa mawala na ang kanyang lagnat. Papainumin ko na nalang siya ng gamot. Pwede ka nang bumalik sa iyong klase"

BF - BestFriend or BoyFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon