Chapter 2: Seatmate

1.6K 18 6
                                    

Marco's picture may be seen at the right side of this page.

:: Chapter 2: Seatmate ::

“Ako nga pala si Marco Montenegro. Ikaw anong pangalan mo?”

Hala? kinausap ako.. relax alex. breath in, breath out.. wooh! GAME! >.<

"A-ako? Ako si, si Alex Marasigan”  Kinakabahan ako. Bigla nya akong kinausap. Nangangatal yung kamay ko. Baka may mali akong masabi sa kanya.

“Alex? Di ba panglalakeng pangalan yun? Eh babae ka naman? Pede naman kasing Alexa ang pangalan mo ah. Maganda pa yun. “

“Oo, panglalakeng pangalan nga yun. Ganito kasi yun. Nung pinaglilihi ako ng aking ina eh may nabasa syang dictionary at nandun ang sikat na si Alexander the Great. Kaya ayun, naging Alex ang pangalan ko. Kuha mo?” naintindihan kaya nya? Napahaba ata yung explanation ko sa kanya.

"Kuha ko.! Salamat nga pala sa pagsshare ng kwento ng pangalan mo sa akin.”  Nginitian nya ako na parang tuwang tuwa. Nginitian ko na lang din sya.

Bakit parang kakaiba yung ngiti nya? Parang gumaan bigla yung pakiramdam ko sa kanya. Parang yung puso ko, nararamdaman ko ring nakangiti. Nawala yung pagkakatal ko kanina eh. Haaay ang ganda ng ngiti nya.

Teka teka! Ano ba tong sinasabi ko? Nahihibang na yata ako eh. Alex bumalik ka nga sa realidad. Wooh!

……………………..

“Class, dahil first day of classes ngayon wala munang klase. Ang mangyayari ngayon ay ang pagpapakilala ng inyong sarili.” Sabi ni Mam Gonzales

“Alaaaaaaaaaaaaaaaa..?” Angal ng buong klase.

Bakit ba naman kasi nauso pa itong ganto. Pede naman kasing magkakilalanan ng hindi na ng iintroduce ng sarili sa buong klase. Tssss. Kakainis lang.

Nagsimula nang magpakilala ang mga kaklase kong nasa unahan. alphabetical order kasi ang pagpapakilala.

Hanggang sa dumating na si Marco na ang magpapakilala. Pumunta sya sa may unahan at nagsimula nang magpakilala.

“Hi, Im Marco Montenegro, 16 years old, from Grand View Heights. I’m good at playing basketball. I’m kind, friendly and fun to be with. That’s all. Then he smiled again and glanced at me.

BF - BestFriend or BoyFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon