This chapter is dedicated to MissKpophil dahil sa napakagaganda nyang comment at sandamakmak na like. :D
:: Chapter 19: Cellphone ::
[ Kevin's POV ]
Nandito ako ngayon sa gym. Hinihintay ko yung nga kagrupo ko. May practice daw kasi kami.
Nakakatamad!
Di ko gaano ka-close ang mga kagrupo ko. Di ko pa sila masyadong nakakausap eh.
Sina Alex at yung tropa nya lang ang palagi kong kasama.
Sa kanila umiikot ang buhay ko. Madrama ba? Hehe.
Sana lang sa practice na ito eh magkaron ako ng bagong kaibigan.
Ang isa pang ikinaiinis ko ay kagrupo ko si Jessy. Masyadong pasikat. Kung makaasta sya sa room eh kala mo kayang kaya nya ang kahit na anong bagay.
"Uy Kevin, kanina ka pa ba dyan?" Tanong ng isang lalaki sa likuran. Si Keith pala.
"Hindi naman, kadadating dating ko lang din." Sagot ko.
"Ah ganun ba, sinamahan ko pa kasi si Mia kumain." Sabay turo nya kay Mia na busy sa pagsasoundtrip.
"Nag-date kayo noh?" Tanong ko sa kanya kasama ang pangaasar. Nabigla sya sa tanong ko at agad na namula ang tenga nya.
"Ha? Hi-hindi ah. Anu ba yang pinagsasasabi mo." Deny nya habang mahinang sinuntok ang balikat ko. Obvious na obvious talaga 'tong lokong 'toh.
"Ooookaaaaay. Sabi mo eh." Tapos tumawa ako ng patago.
Maya maya'y dumating na ang iba pa naming mga kagrupo at nagsimula na ang aming practice.
"Guys ganito ang kwento ng play naten. . . . ." Sabi ni Keith.
. . . .
[ MARCO'S POV ]
Sinisilip ko lahat ng lugar na pinuntahan ng mga kagrupo ko dito sa aming bahay.
Tapos na kasi kaming magpraktis para sa play.
Tintingnan ko kung may mga naiwan silang gamit para maihabol ko agad sa kanila.
Nasa may gate pa naman kasi sila eh.
Huli kong pinuntahan yung kwarto ko.
Ang gulo grabe!
Ang kumot hindi nakatiklop at ang unan, nasa paanan ng kama.
Aish! Si Alex ang salarin!
Habang hinihigit ko yung kumot uoang tiklupin, may mabigat na bagay ang nakadagaan dun.
"Uy cellphone?" sabay kuha at inunlock para malaman kung sinong may ari nito.
"Kay Alex pala." Sya kasi nasa screen saver eh.
Naupo muna ako sa kama at tintigan ang cellphone.
Napaisip ako, papakelaman ko ba o hindi?
[ ALEX POV ]
"Yung puso ko!" Sigaw ko sa tropa.
Hindi naman talaga yun ang naiwan ko eh. Haleerr! Puso! Maiiwan? Haha. Yung cellphone ko talaga ang naiwan ko. Naku, san ko kaya naiwan yun? Halaaaa..
Nagpunta muna ako sa pinagpraktisan namin. Dun ako huling nanggaling eh..
Hanap hanap...
WALA!
sa CR kaya?
Hanap hanap...
WALA!
TING! aha sa kwarto ni Marco pala!
Nagmadali akong pumunta sa kwarto. Baka kung sino na ang makakuha nun. Bakit ba naman kasi ang laki laki ng bahay nina Marco. Nakakapagod ahhhh..
. . . . . . . .
[ MARCO"S POV ]
Pinasa-pasa ko aking dalwang kamay ang cellphone ni Alex..
"Hmmm. Oh well. Sisilipin ko lang ng madali tapos ihahabol ko agad sa kanila sa labas." sabi ko sa sarili ko. Titingnan ko lang talaga ng madali. Nacucurious ako eh.
I unlocked it by swiping the glass. Samsung S3 kasi yung phone nya. Sosyal ah.
Nakita ko ulit yung screensaver nya na cute. Wearing white shirt then naka salamin sya tapos medyo naka pout sya. Medyo lang. Cute talaga!
Naiinlove ako... ^___^
Nagpunta ako sa gallery ng phone nya. Binrowse ko yung albums at may isa doon na lalo akong pinacurious sa kung anong laman niyon.
The album's title is "Secret".
Secret?.....
Secret?.....
Secreeeeeet?.....
Hmmmmm...
Ano kaya yun?
Pipindutin ko na sana yung album nang biglang. . . .
"BLAG!"
May nagbukas ng pintuan at napatingin ako doon habang hawak yung cellphone.
"Alex?!"
*****
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Alex nang makita nyang pinapakelaman ni Marco ang cellphone nya? Abangan sa susunod na kabanata ng BF - bestfriend or boyfriend.
Ohaaaaa.. After a month nakapag-update din ako. Pasensya sa mga naghintay ng sobrang tagal. Nawalan kasi ako ng inspirasyon. Haha. Sana magustuhan nyo itong update na ito kahit maiksi.
Salamat din sa mga sumusunod dahil sa kanilang sandamakmak na vote.
LySza_Kyout
ParkMinByul
Kuh salamat talaga ng bonggang bongga!
Sana hindi kayo magsawang basahin at suportahan ang kwentong ito kahit matagal ang update.
Salamaaaaaaaaaat! Mabuhay! :D
Nga pala may page na po ako sa facebook.
https://www.facebook.com/Bittersweetstrange
Like nyo ah. Konti pa lang laman nya, pero kung gusto nyong makita yung mga pictures ng story eh punta lang kayo dun. hihihi. Yun lang. Bbye.
Nagmamahal,
Ate Sweet
BINABASA MO ANG
BF - BestFriend or BoyFriend
Teen FictionLast year of high school na ni Alex and her memories were slowly flashing back. Ang kanyang tropa na araw araw niyang kasama, ang mga kaklase na magugulo at mga guro na minsan ay namumura sila. Pero ang hinding hindi niya malilimutan ay ang dalwa ny...