Chapter 1: Seating Arrangement

2.2K 26 3
                                    

The female protagonist's picture may be seen on the right side of this page.

:: Chapter 1: Seating Arrangement ::

Hay. Ang bilis ng panahon noh? Parang kailan lang eh kasisimula pa lang ng pasukan.Tapos maya maya lang eh matatapos na ang school year.

Malapit na akong mamaalam sa eskwelahang ito. Madami rin akong mamimiss dito ah, yung mga tambayan namin ng barkada ko katulad na lang ng canteen na kung saan kami kumakain ng masasarap at di nakakasawang pagkain. Paborito namin dun yung Chilicon. Tapos dun sa library, pupunta kami dun para magpalamig o kaya magpatuyo ng pawis. Mamimiss ko din ang gym na kung saan ginagawa ang iba't ibang activities kagaya ng sportsfest, yung training ng team namen, ang walang sawang free play tuwing PE time at higit sa lahat, ang lugar kung saaan nagsimula ang lahat, ang aming classroom.

NP : CALIFORNIA KING BED

* chest to chest, nose to nose

palm to palm, we were always just that close

wrist to wrist, toe to toe

lips that felt just like the inside of a rose

so how come when I reach out my finger

it feels like more than distance between us? *

"huy Alex yung alarm mo" may naulinigan akong boses na nagsasabi sa aking patayin ko na daw yung alarm. I just mumbled as an answer at kinapa-kapa ko yung cellphone ko para mapatay ung alarm.

Mayamaya, tumunog nanaman ulit yung alarm. Napaisip ako habang nakapikit "kala ko napatay ko na yun?". bigla kong napagtanto na nagsnooze  kasi basta ko na lang pinindot ung cellphone kanina..

"Alex yung alarm sabe!" may pahampas hampas pang nalalaman para mapukaw ako sa aking mahimbing na pagkakatulog. Pinatay ko na yung alarm, at this time, I'm sure patay na yung alarm.

Bumangon na ako at nagsimula nang gumayak sa pagpasok pero ang ate ko ayun naka higa parin sa kama.

Naisipan ko syang bulabugin para bumangon na rin, saka ganti ko na rin sa ginawa nyang panggigising sakin kanina. sakit sakit kaya nung hampas nya.

So ang ginawa ko ay niyugyog ko sya ng yugyog na yugyog, yung para bang may lindol, para gumising na. At ayon nagising nga pero ang mukha halos di maipinta, galit na galit eh.

Sabe nya "Ga areh? manggigising na lang eh di pa gawing matino tino ang paraan. tsssss"  Tumawa nlng ako ng patago at nag evil smile hehehe..

...... 

BF - BestFriend or BoyFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon