This chapter is dedicated to Ate Lei. Happy Birthday!
:: Chapter 15: Picture ::
[Kevin's POV]
"Only child lang ako." sabi ko sa kanya.
Nung sabihin ko yung parang biglang bumaba yung energy nya.
"Ah ganun ba? Parang malungkot yun? Pero hayaan mo na nandito naman ako para maging kapatid mo." sabi niya sa akin habang nakangiti..
Ano daw??
Tama ba ang pagkakarinig ko??
Kapatid??
Kapatid lang ba ang tingin nya sa akin??
Hanggang dun lang??
Pero ayoko!
K-kasi...
Gusto ko sya!
Pero hindi ko alam kung pano sasabihin yun sa kanya..
Haaay. Napabuntonghininga na lang ako at pilit na ngumiti sa kanya.
Maya maya lang eh naubusan na kami ng mapapagusapan.
AWKWAAAAAAAAARD...
Kaya nagyaya na akong umuwi.
"Alex, tara na uwi na tayo." aya ko sa kanya
"Sige tara." sagot nya.
Umuwi na kami..
-------
[Alex POV]
Lumipas ang mga araw..
Busy na busy ang buong klase sa paghahanda ng kani-kanilang play.
Tuwing pagkatapos ng klase namin ginagawa ang mga preperasyon.
Tutungo sa bahay ng kaklase at doon magsasagawa ng mga bagay bagay.
Practice dito, practice doon.
Props dito, props doon.
Memorize dito pero makakalimutan pag nandun na.
Hanap ng costume dito, sukat doon.
Ang daming kailang asikasuhin.
Mabusisi ang pagbuo ng isang play.
Syempre tulung-tulong kami para maganda ang kalalabasan nito...
.........
Papunta kami ngayon sa bahay nina Marco.
Dun kami magppractice.
Malaki daw kasi ang bahay nila.
Yabang naman nun. Oh eh di kayo na ang may malaking bahay.
"Manong para po." sabi ni Marco.
Nandito na ata kami kaya nagsibabaan na ang aking mga kaklase.
Ako ang kahuli-hulihang bumaba.
Pagkakababa ko nakita ko ang mga kaklase ko na nakatunganga.
Bakit kaya?
Pagtingin ko sa aking harapan ay tumambad sa akin ang isang mala mansyon na bahay at may nakasulat na MONTENEGRO sa kanilang gate.
*O*
Whoa! Malaki nga. Ok wala na akong masasabe pa. NGANGA na lang!
"Guys pasok kayo." tapos binuksan ni Marco yung gate.
Eeeeeeeek!!. sabi nung gate, sound effects yan haha..
Pumasok kaming lahat, naka isang linya, ako pa rin yung nasa huli. Si Marco andun padin sa may gate.
Pagkapasok ko sumunod na sa akin si Marco tapos may binulong.
"Laki noh?" then he smirked.
Yabang talaga neto.
Di ko sya sinagot. Siniringan ko na lang sya. >__>
Nagdire-diretso na sila sa loob ng bahay mismo.
Pumunta na si Marco sa unahan para i-tour ang mga kaklase ko.
Field trip lang? haha
Laki naman kasi nung bahay.
Ang gara gara ng mga furniture.
Yung chandelier nila parang yung mga nasa 5 star hotel.
Grabe talagaaaaa..
Napag-isipan ko munang humiwalay sa grupo.
Mag-uuli muna ako mag-isa.
Maghahanap ng mga bagay na pwedeng ipang-asar kay Marco.
BWAHAHAHA.. ^O^
Pa-ipis-ipis akong umalis sa linya..
Nagtago muna ako sa gilid ng isang kabinet tapos sumilip ako sa kanila, tinitingnan ko kung malayo na sila saka kung hindi nila ako napansin..
So far hindi naman.. Assa! haha
Sa pag-uuli ko, napadpad ako sa isang kwarto.
Kulay sky blue yung kulay ng dingding.
Panglalaki. Sa boy siguro nila ito.
kaya lang may nakita akong picture frame na nakataob.
BWAHAHAHAHAHA..
Humagalpak ako ng tawa pagkakita ko sa picture.
Alam nyo ba kung sino nasa picture??
SECREEET! di ko sasabihin.
"HUY! Anong ginagawa mo dyan ha??" may biglang umimik.
"PUUUUUUUSAAAA!!" napasigaw ako sa gitla. Bigla na lang kasing sumulpot si Marco. Para talaga yung kabute.
Tinago ko agad agad yung picture frame sa likod ko habang nakangiti sa kanya.
"Ano yang hawak mo sa iyong likuran?" tanong niya sa akin tapos nakataas yung isa nyang kilay. Ang taray ng lola mo. haha
"Wala naman, gusto ko lang talaga ilagay sa likod ang kamay ko." ^__^
Unti unti syang lumalapit.
"Ano nga yan?" pangungulit nya.
"Wala nga sabe."
Palapit na sya ng palapit. Mga isang dipa na lang ang layo nya sa akin.
"Hindi mo sasabihin?"
"Eh wala naman akong sasabihin. Wala akong HAWAK." ^_^
Sobrang lapit na nya.
Napapaatras na ako.
"Ayaw mo talaga ha." sabi nya.
Bigla syang lumapit at pilit na inaabot yung picture frame sa likuran ko.
Napaatras pa ulit ako kaya lang hindi ko namalayan na nasa may kama na pala ako.
Dahil wala na akong nahakbangan, napahiga ako sa kama and........... *O*
BINABASA MO ANG
BF - BestFriend or BoyFriend
Teen FictionLast year of high school na ni Alex and her memories were slowly flashing back. Ang kanyang tropa na araw araw niyang kasama, ang mga kaklase na magugulo at mga guro na minsan ay namumura sila. Pero ang hinding hindi niya malilimutan ay ang dalwa ny...