:: Chapter 11: Ballpen ::
[ Alex' POV]
"What? Ako Selos? I don't get jealous, I can't be jealous, I've never been jealous, NGAYON LANG!"
Naku napalakas yung sabi ko narinig ng lahat ng kaklase ko.
“Huy, selos daw? Kanino?” bulong nung isa kong kaklase.
Patay, Alex umisip ka ng palusot dali.. hmmm.. AHA! Ting!
"Guys nagpapractice ako para sa isang chorva, okay lang ba? Mukha bang realistic? hehe"
"Oo eh. Akala nga namin nagseselos ka talaga eh." sabi ni John
"Haha. Ganun ba?" nginitian ko na lang sila at nagsibalikan na sa kanya kanyang gawain.
Echos lang naman yung chorva. Wala naman talaga yun haha xD
Pero si Marco nakita ko na tumingin lang ng mabilis tapos, wala na. Kausap nanaman si Jessy.
Ay nako pag-umpugin ko kaya silang dalwa? Or tirisin ko na lang kaya sila na parang kuto? Nakakainis!!
Pumunta muna ako sa CR para magpalamig ng ulo at kinausap ang sarili ko sa salamin. Wala naman sigurong tao dito noh.
“Alex ano bang nangyayari sayo? Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman mo? Abnormal ka nab a? Nagseselos ka ba kay Jessy? Ano ba yan! Nakakaloka na!”
BINABASA MO ANG
BF - BestFriend or BoyFriend
Novela JuvenilLast year of high school na ni Alex and her memories were slowly flashing back. Ang kanyang tropa na araw araw niyang kasama, ang mga kaklase na magugulo at mga guro na minsan ay namumura sila. Pero ang hinding hindi niya malilimutan ay ang dalwa ny...