I love you. I really love you.
He looked at me. Hindi ko na talaga mapigilan yung mga luha ko. “Mai,”
Walk out. Walk out na lang makakapagligtas sa akin sa moment na yun. Kaya yun yung ginawa ko kaso sinundan niya pa rin ako. “Mai, wait.”
Humarang siya sa daan ko. Parang hobby yun ng mga Jeric. “Sorry.” Pinunasan ko yung mga luha ko. “I didn’t mean to-“
“Okey lang.” Kahit hindi okey, to be honest.
“Mai, I just want to be clear to you.” Hinawakan niya ako on my arms. “Hindi ko gagawin yung ginawa sayo nung Jeric sa fanfic mo. Hindi kita paaasahin sa wala.” Sa wala? Wag mo na ituloy please. Gets ko na. “Mahal ko si Mela. Mahal din kita… pero hindi sa paraang inaasahan mo.”
Ang sakit na dinuktong niya pa yung ‘mahal din kita’. Understood na naman yung ‘mahal ko si Mela’. “Ayokong mawala yung friendship natin, … Buddy.”
Buddy. P*tang*nang buddy yan. Hindi naman buddy mo ang gusto kong maging eh. “Naiintindihan ko, Jeric. Masakit lang talaga.” I walked out. Tama na. Tama na ‘to.
“Buddy! Mai!” Narinig ko pa yung tawag niya. Pero nakatawid na ako. Malayo na ako sa kanya. Lalayo na ako sa kanya.
Takbo, Mai. Run away. Kakatakbo ko habang umiiyak, muntik na ako mabangga nung kotseng galing sa loob ng UST. Nasa gate na pala ako ng UST.
“Sh*t. Magpapakamatay ka b-. Mai?” Bumaba ng kotse niya si Teng. Siya pala yung muntik ko ng madamay sa katangahan ko. He looked at me. “Bakit ka umiiyak? Saka bakit ka tumatakbo? Wala ka bang payong?”
Yakap. Gusto ko ng yakap. Sige na nga. Pwede na nga sa mahangin na ‘to.
Teng:
Bigla akong niyakap ni Mai. Hanggang sa may chest ko lang siya. Ang higpit ng yakap niya. Aww. Ano kayang problema niya?
“Ilayo mo ako dito. Please…” Ano daw? Ilayo? Saan naman kita dadalhin? Saka- Aissh! Bahala na nga. I pulled away from her at sinakay siya sa kotse ko. Oh my. Mababasa yung kotse ko pero sige na lang. Para sa’yo.
Sinunod ko naman siya. Nilayo ko siya from that place. Nagdrive lang ako ng nagdrive kahit di ko alam kung san kami papunta. I don’t know why I gave in to this girl. Lagi ko siyang tinitignan. Just checking kung okey lang siya at kung pwede na kaming huminto somewhere kaya lang nakatingin lang siya sa labas at punas pa rin ng punas ng mga luha niya.
“Mai,” Pasimple lang yung tawag ko sa kanya. “San ba tayo pupunta? Or san mo ba gustong pumunta? Kasi kanina pa ako drive ng drive. Kanina, full tank ako, ngayon, nasa kalahati na.” May halong reklamo yun.
She looked at me. Oh-oh. Ang sama ng tingin niya. “Ok, fine. Drive lang ng drive.” Sabi ko na lang.
BINABASA MO ANG
A Drop in the Ocean
FanfictionSa fanfic, meant to be kayo. Pero in real life, lahat ng bagay sa pagitan niyo sinasabing hindi kayo para sa isa’t isa. Is there a love so strong to conquer all the trials?