"Where in the world did the time go?
It's where your spirit seems to roam
Like losing faith to our abandoned
Or an empty hallway from a broken home."
Pumasok ako sa loob ng emergency room para i-check si Mai. Nakahiga siya, wala pa ring malay. Naka-dextrose na rin siya. Nasa tabi niya pa rin si Ash na may kausap sa phone. I wonder kung mama ba yun ni Mai. Sure, mag-aalala yun.
“Sir, ililipat na po siya sa private room.” Sabi nung nurse na nasa likod ko. I turned on her.
I took this chance to ask her. “Ano bang nangyrai sa kanya, miss? Severe case of dismenorrea lang ba yun?” Nagtataka kasi ako nung sinabi ni RM kanina na kailangang i-confine si Mai for few days.
“Kasama ho ba kayo sa nagdala sa kanya dito sa ospital?” The nurse asked. Hindi na siguro niya ako natatandaan from all the rush kanina.
“Oo. Ako pa nga yung nagbuhat sa kanya kanina. Ano bang sakit niya?” I looked at Mai. Ang himbing ng tulog niya.
“Nagka-miscarriage ho siya.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng nurse. Napatingin ako sa kanya. Anong sabi niya? M-miscarriage? Si Mai? The nurse looked at me. “Nakunan po ang pasyente.”
Humarap ako sa nurse. “Nakunan? Buntis siya?”
The nurse checked the file she’s holding. “Ayon po sa mga test sa kanya, four weeks pa lang yung pinagbubuntis niya.”
“Ba-bakit? P-paano nangyari? Bakit siya nakunan?” Marami pa akong tanong na hindi na lumabas sa bibig ko. Ewan ko. Parang hindi ko masabi. Hindi kasi ako makapaniwala. Hindi kasi pumasok sa isip ko na pwedeng mangyari yun. It’s the last thing I was expecting to happen. Not to Mai.
“Marami pong factors kung bakit nakukunan ang isang babae. Pwedeng nagkaron ng early abnormalities ang pagbubuntis niya, hindi ready ang body niya for pregnancy, if she’s sick or suffering in diseases, factor din yung lifestyle niya or pwede ring stress. Lalo na sa case niyang nasa first term pa lang ng pregnancy.”
“Eh yung pagiging broken hearted, wasted and miserable? Factors din ba yun kaya nakukunan?” RM came at sumabat sa usapan namin ng nurse.
“Pwede rin po. Under yun ng stress. Kaya nga, iniiwasan nating ma-stress ang mga buntis. Kasi sensitive sila. Hindi lang yung feelings nila, pati yung body nila na nag-a-undergo ng maraming changes.”
“Stress yan kaya nakunan. Gago kasi yung tatay ng anak niya eh.” Sabi ni RM.
I looked at Mai. I know, walang ginustong mangyari ‘to but I can’t help but blame someone. I can’t help but blame Teng. Kung di niya siguro iniwan basta-basta si Mai, things would not have happened.
I closed my fist. Magkabilang kamay. Kumunot din ang noo ko. “Bantayan niyo si Mai.” I told RM before I went out of the emergency room.
Jeron:
Me and Kuya Jeric went out for an early jogging session. Sindaya naming maaga. Kasunod ko siya when I went out of the house.
Pagbukas ko ng gate, naabutan ko si Kuya Fort sa labas. Kapaparada pa lang ng kotse niya. “Kuya mo?” He asked pagbaba na pagbaba niya ng kotse.
“Ang aga mo ah. San ka galing kuya Fort?”
But he didn’t answer me. “Nasaan ang kuya mo?”
I didn’t have to answer. Lumabas na rin kasi si Kuya. “Anong ginagawa mo di-“
Hindi na pinatapos ni Kuya Fort si Kuya sa tanong niya. Sinugod na niya si Kuya at sinandal sa gate namin habang nakahawak sa damit ni Kuya. “Gago ka, Teng. Gago ka!”
BINABASA MO ANG
A Drop in the Ocean
FanfictionSa fanfic, meant to be kayo. Pero in real life, lahat ng bagay sa pagitan niyo sinasabing hindi kayo para sa isa’t isa. Is there a love so strong to conquer all the trials?