"A Few More Hours, then it's time to go."

1.3K 9 6
                                    

"Some say it isn't over till it's over.

But I guess this is really over now."

Fort:

4:30 in the morning. Tapos na ang inuman at kwentuhan ng tropa. Nagsitulugan na nga sila habang ako, nakaupo sa tabi ng bintana at hindi dalawin ng antok. Ewan ko ba. Hindi ko talaga matanggal sa isip ko si Mai at kung anong ginagawa nila ni Teng buong gabi.

“Bakit hindi ka natutulog?” Napansin pala ako ni Ate Faith. Sumandal siya sa bintana at sinamahan ako.

Hindi ko siya sinagot. Kaya, “Matindi na nga yan. Buong gabi mo na siya iniisip.” I looked at her. Parang alam niya kung sino ang nasa isip ko.

“Ikaw ba, ate. Ipaglalaban mo ba yung taong mahal mo?” I asked her.

“Hanggang may pagkakataon, ipaglalaban ko siya.” She casually answered.

“Kahit may masasaktan kang tao? And worst, kaibigan mo pa yung masasaktan mo.”

“Bakit, sila na ba?” She held my hand. “Jeric, hangga’t hindi pa sila, kumilos ka na ngayon pa lang. Kasi kung sila na, wala ka ng laban.”

I looked at the view outside the window. Shall I or shall I not? Sa view ng Manila’s skyline from the window, mukha ni Mai ang nakikita ko. At nakapag-decide na ako.

Laban.

Ipaglalaban ko si Mai.

Tumayo ako at tumakbo palabas ng bahay. I went to my car, started the engine, put on my seatbelt and get ready to leave. “Go for gold, Jeric!” Sigaw pa ni Ate Faith bago ako umalis.

Hinanap ko yung resort kung san nagpunta sina Teng at Mai. At nang mahanap ko ito, nag-park ako agad at dumiretso sa reception area. Pero walang tao. Nakasarado din yung main entrance papasok ng resort. Buti na lang, kayang akyatin yung gate.

Pumasok ako sa resort ng walang nakakaalam. Hinanap ko si Mai. Wala akong mapagtanungan kaya nilibot ko na lang yung buong resort. And,

There she is.

Si Mai.

She’s standing in this hanging bridge. Alone. She turned around, facing my direction. I smiled at her. She smiled back.

“Jeric,” Tawag niya sa’kin.

I was about to take that one step to start my way to her but,

“Baby!”

I looked on my left side. Si Teng. Siya ang tumawag kay Mai. Naglalakad na siya papalapit kay Mai.

“Jeric.” Tawag ni Mai sa kanya.

Teng approached her and kissed her. On the lips. Then he hugged her from behind.

Ang saya nilang tignan. All they did is smile at each other while waiting for the sun to rise.

“I love you, baby.” I heard Teng told her.

“I love you too, Jeric.” She said.

I think that’s my cue to go. I lowered my head and walked back. Pabilis ng pabilis ang lakad ko hanggang sa tumakbo na ako para mapabilis ang pag-alis ko sa lugar na yun. But, I suddenly stopped. I leaned my head on the trunk of the tree.

“Tanga.” Tawag ko sa sarili ko. “Tanga! Tanga!”

Ano ng gagawin ko ngayon? Sila na ni Teng. It’s too late for me. Naramdaman kong tumulo yung luha ko. Nakaka-frustrate. Kung kailan ko napagdesisyunang ipaglaban siya, saka naman niya sinagot si Teng.

A Drop in the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon