"Heaven doesn't seem far away anymore."

1K 13 6
                                    

Mai:

 

 

Sun almost setting. Nakatayo ako sa balcony ng resort, facing the shore habang pinapanood ang hampas ng dagat sa buhangin. Hindi ko naman binibilang kung ilang beses umalon ng malakas. But I wish na sana yun na lang ang laman ng isip ko.

“Let’s go, Ate.” Tawag ni Ash sa akin.

I looked at her. Ready na siya to go.

Sinundan ko na siya. We walked until we reached the van on the parking lot. Nandun na silang lahat. Ako na lang pala ang hinihintay.

Pumwesto na sina Ash at Jhona sa pinakalikod ng van. Sina Fort at Jeric, nakatayo sa magkabilang side ng pinto, looking at me, waiting for me to come in. I looked at RM. Nakahawak na siya sa pinto. Sa harap ulit siya pupwesto.

Pagbukas niya, inunahan ko siya sa pagsakay. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang umupo sa pwesto ko. “Well, boys. Beauty ko muna ang pag-agawan niyo.” Sabi niya pa sa dalawa bago sumakay sa van.

Ang tahimik ng biyahe namin pabalik ng Manila. Pabaling-baling ako. Naghahanap ng komportableng pwesto. Gusto kong matulog. Pero hindi ko magawa.

Napatingin ako sa rearview mirror. Nasa gitna nina Fort at Jeric si RM. Nakatingin sa bintana sa side niya si Fort. Ganun din si Jeric. Tulog na tulog naman si RM.

I looked at the view outside the windshield beside me. Sabi ko, mamimili na ako. Pero sinong pipiliin ko? Sino ba dapat? Sino bang pwede kong piliin ng walang masasaktan?

Ayoko namang paabutin ng 45 chapters ang kwentong ‘to. Magpapaikot-ikot lang. Liligawan ako ng isa, aagawin ng isa, ipaglalaban ng isa. Baka in the end, pareho pa silang mawala sa akin.

I closed my eyes. I need to sleep. I need to rest my mind bago ako gumawa ng desisyon.

Soon, nakarating na rin kami sa Manila. Walang stop over eh. Unang-una na akong bumaba. Fort and Jeric both tried to talk to me pero binilisan ko talaga ang lakad para di nila ako maabutan. Anong sasabihin ko sa kanila?

Pumasok na agad ako sa building at dumiretso sa elevator.

Right now, gusto ko munang mag-isa. Walang Jeric. Walang Fort. Just me. In that way, makakapagdesisyon ako ng maayos.

I went to Novaliches. Dun muna ako umuuwi. Kahit ang layo sa office. Gusto ko kasing makasama si mama.

A Drop in the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon