New England as the leaves change

1K 10 3
                                    

Humarap ako sa salamin. Checking kung okey na ang ayos ko. Office Attire - check. Make up - check. Hair do - check. Smile - check. Okey na okey na ako for my first day.

"Wow. Bihis na bihis ah." napansin ako ni ash. "aminin mo. May date ka noh?"

i just smiled at her. Hindi na ako nakasagot kasi nag ring ang phone ko. "hello," nagmadali naman akong sagutin yun.

"nandito na ako sa baba." sabi nung nasa kabilang linya.

lumipat ako sa tabi ng bintana at sumilip sa baba. "tingin ka sa taas. Dali!"

tumingin naman siya. Kumaway ako sa kanya at gumanti naman siya ng kaway. "haha. Baliw ka talaga." sabi niya sa akin.

"baliw ka rin. Kumaway ka eh."

"haha. Sige na. Bumaba ka na. Male-late ka na naman."

"sige po, boss"

after hanging up, inayos ko ulit ang sarili ko. humarap muna ulit sa salamin bago lumabas ng unit. just making sure i still look good.

*TING*

pagbaba ko sa lobby, ngumiti ako sa guard paglagpas ko sa kanya.

"blooming na naman si mam ah." bakit kuya guard? Di ba ako lagi ganito kaganda?

I just smiled at him at tumuloy na sa paglabas. Naabutan kong nakasandal sa kotse niya yung naghihintay sa akin kanina pa. "hi!" bati ko sa kanya.

Kinuha niya ang mga dala kong gamit. "bihis na bihis ah. Ganyan ba talaga pag single na?"

"Tigilan mo ako, Jeric ah." Saway ko sa kanya. "first day ko ngayon as regular agent. Kaya kailangan, i look my best."

he looked at me. More like, stared. Then he smiled. "ang ganda mo nga." i smiled. "lalo na pag nakangiti ka."

lalo akong napangiti. "bolero. Tara na nga. Baka ma-late pa ako eh." naglakad na ako papunta sa kabilang side ng kotse.

"anong baka ma-late? Late ka na talaga."

"kung 30kph ang takbo mo papuntang Ortigas, talagang male-late ako." pang-aasar ko pa habang sumasakay sa kotse niya.

"ang yabang mo ah. wag kaya kita ihatid."

i touched him in his arms. "sorry na. Ito naman di mabiro."

he smiled. "di lahat ng gwapo, kabiruan mo."

oops. Napanganga ako dun. Ang yabang. Ano daw?

He smiled before starting the engine. Ang yabang talaga ng lalaking 'to. may pa shades - shades pa.

"Hindi nga pala kita masusundo mamaya." Sabi niya habang naglalakad kami papasok ng building. "May training pa ako eh."

Training? "di ba, umaga training mo sa blackwater?"

"a-attend kasi ako ng training ng ust. In-invite ako ni coach pido."

Teka. pabalik ba ang ikot ng mundo? "bakit? Maglalaro ka ba ulit sa uaap?"

he looked at me. na parang hindi niya alam kung tatawa ba siya sa akin o hindi. "joke yun? Last mo na yan ah." seryoso niyang sabi sakin. we continued to walk. "nagpapatulong kasi siya na i-train yung bagong point guard saka... Para i-guide si te-" i looked at him. Hindi na tuloy niya natuloy banggitin. "yung bagong captain."

as if namang hindi ko kilala yung bagong captain. "okey lang. Pag ust ang pinag-uusapan, imposible namang di mabanggit ang pangalan niya."

we reached the building's entrance. he looked at me. "i'm just being sensitive with your feelings pero... Kung okey lang sayo, e di,,, tutulungan ko si teng na iimprove yung leadership skills niya. Ano? Okey na?"

A Drop in the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon