September 29
Tumblr. Alt + Reblog. Alt + Reblog. Alt + Reblog. Ctrl + Reblog. #OMFG #This is cute #GDYB #My heart. Ctrl + Reblog. #youngbae #baby #my love #inspiration.
“Fortuna for three!!!” Ano ba yan? Ang lakas ng volume ng tv. “Yes!!!” Hayz.
“Ma, ang lakas ng tv mo.” Reklamo ko. Ang ingay kasi. Nakakaistorbo sa ginagawa ko. Hehe. Kala mo naman, napaka-importante ng pinagkakaabalahan ko.
Ctrl + Reblog. #omfg #i cant #what you guys doing #gdyb #this is why #they are #my heart. Ang cute talaga ng otp ko. Ang sweet, grabe. Parang sila talaga.
“Fortuna for three!!! And again!!!”
“Mama!” Syempre, nagrereklamo na naman ako diba. Ang lakas kaya talaga ng tv. Lalong lumakas kaysa kanina. “Ano ba kasi yang pinapanood mo?” Lumipat ako sa harap ng tv.
“Fortuna to Tata.” OMFG. Sino yun? Ang cute. Bakit ganun? Naalala ko si Taeyang sa kanya. “Karim back to Fortuna.” Ayun na naman siya. Uy, yung biceps. Ugh! Hot.
“Yan na ba yung Fortuna na tira ng tira dati nung nandyan pa si Dylan?” Tnaong ko sa basketball expert kong nanay.
“Oo. Last year na nya.”
Last year na nya? Yung ganyan ka-cute. Bakit! Bakit ngayon lang kita napansin?
“So UST is marching to the finals as they beat NU by a 63 to 57 win.”
Okay. Back to lappy. Tumblr. Text post. . #I saw someone cute #research. Google. Jeric Fortuna. Enter. Mga larawan para kay Jeric Fortuna. Click. Uy. Laging kalbo. Bakit ba laging kalbo ang UST players? Back. Jeric Fortuna – Wikipedia, the free encyclopedia. Ay. Ang bata. Akalain mo yun? Team captain na yung batang tira lang ng tira dati. Jeric Marco Fortuna (jericfortuna) on Twitter. Follow to following. Jeric Fortuna UST Girlfriend spotted. Till I go pro. Girlfriend nya yun? I’m thankful. See the differences as one. Don’t worry you have me. The child in me is in you. Haha. Ang cute nila. Perfect. May girlfriend. Close tab.
Jeric Marco G. Fortuna | Facebook. Loading. Loading. Leche! Ang bagal na naman ng net. Asan na ba yung ballpen dito? Matusok nga tong modem na ‘to.
Ayan… Eh di okay na uli. Facebook. Subscribe. Jeric Fortuna (jericfortuna07) | Formspring. Login via Facebook. Hahahahaha. Ang kulit. Babe? Babe ulit? Babe siguro tawag sa kanya. Ahaha. Ang kulit. Ang lakas ng sense of humor.
Articles. Articles. Articles. Articles. Articles. So… siya pala si Jeric Fortuna. Okay. Add to cart.
After a week…
Tumblr. Login. Photo. Post. #Jeric Fortuna #Babe #edits. Bago kong blog. Dedicated to the one and only Mr. Cool of UST Growling Tigers. Dito ko ipo-post lahat ng gusto ko i-post regarding Jeric Fortuna.
Hmm… May naiisip akong plot. Paano kung mapansin niya yung blog ko? Paano kung i-follow nya ako sa twitter? Paano kung meant to be kami? At paano kung may Jeron Teng pang nakikipag-agawan? Iiii… Kilig siguro yun.
Photoshop. Open photo. Open psd. Open texture. Move psd. Mmm. Not good. Delete. Open psd. Move group. Yeah! Pretty! Screen. Move. Resize. Text. Dandandananan. Wattpad. New Story. Ang tagal na ring hindi ako nagwa-wattpad ah. Tags. Cover photo.
Yan. Okay. Sulat-sulat din. Type lang ng type hangga’t may idea pang pumapasok. Oops. Wait. 1:45 am na pala. Kasal na ni Patricia bukas. Sh*t. Nakalimutan kong mag-beauty rest. Bahala na nga. Naka-make up naman bukas eh.
…
11:15 am.
Mai Honey Kho checked in at Hair Dressers Manila. Done posting new status in Facebook. Lapag ko na nga ‘tong phone ko. Nandyan na yung baklang mag-aayos sakin eh.
“Hi! Ako si Dyosa at ako ang magpapaganda sayo!” Haha. Parang nasa beauty contest lang. “Akong bahala sayo teh! Pagagandahin kita. Tatalunin mo pa yung bride!”
Bago mag 1:30 pm, tapos na ako ayusan. Pati yung pinsan kong si Abby at Ashley. Nagbihis na kami and we’re ready to go.
San Agustin Church.
Yun o. Tapos na yung role ko sa kasal. Bridesmaid kasi ako. Sina Abby at Ashley, cord at veil. Kaya ako, kukunin ko na kay mama yung hiniram kong slr sa friend ko. Tamang-tama kasi mag-practice ng new found love ko, photography, dito sa simbahan na ‘to. Ang epic kasi nito. Andaming pwedeng kunan na sceneries.
Lakad. Focus. Adjust zoom. Click. Lakad. Focus. Adjust zoom. Click. Lakad. Focus. Adjust zoom. Click. Lakad pa. Lakad pa. Ay yung pinto. May kakaiba sa pintong yun. Makuhanan nga. Focus. Adjust zoom and… click.
OMFG. Binaba ko yung slr. Hindi ako niloloko ng camera. Focus ulit. Adjust zoom. Adjust pa. Konti pa. Blurred. Adjust pa. Clear na. Click. Click pa. Lakad. Adjust. Click. Lakad. Adjust. Click pa ulit. Lakad pa. Adjust uli. Click. Click. Click. Click. Click. Click. Click. Click. WAHHH!!! Si Jeric Fortuna nga!!!
Click pa. Pagkakataon na ‘to. Click. Click. Click. JFC!!! Ang gwapo niya sa personal!!! Yung face niya. Yung mga mata niya.Paraakong nasa langit. Yung feeling na nasa harap mo yung lalaking sa tv at computer mo lang nakikita. Yung feeling na nags-slow motion lahat. At tanging siya lang yung nakikita mo.
Lalong nakakalaki ng mga mata pag nakikita mo siyang naglalakad papalapit sayo. Napapaatras tuloy ako. Pero napako ako sa kinatatayuan ko nung may pinulot siya sa floor. Bulaklak. Yung tulip na nakalagay sa wrist ko. Teka. Bakit niya ako tinitignan? At bakit… OMG. Nilalagay niya yung tulip sa wrist ko. Totoo ba ‘to? Nandito ba talaga siya sa harap ko? Siya ba talaga ‘tong anghel na ‘to? Tuloy ba ang end of the world sa December 21? Kaya pinagbibigyan na ako ni Lord na makita lahat ng dapat kong makita. Nauna na si Taeyang. Tapos ngayon, si Babe.
“Ate, … Ate!” Naman, Ash! Kailangan ba akong gulatin? “Bakit ka nakatayo dyan?”
“Ha?” Wala pa ako sa sarili eh. Kasi si… Nasa’n na siya? “Si Jeric?”
“Sinong Jeric?”
Tumakbo ako palabas. Kesehodang naka-heels ako ng 4 inches. May itim na kotseng paalis. Kotse niya yun. Sabi ng puso ko, kotse niya yun. Si Jeric yun. Paalis na siya. Bakit kasi nakatulog yung diwa ko? Di ko man lang nanamnam yung moment. Puro ako daydream. Yung reality, nakaligtaan ko.
Focus. Click. Yung likod na lang ng kotse niya ang nakuhanan ko.
I missed my chance. Hindi ko alam kung magkikita pa ulit kami. O kung makikita ko pa siya ulit sa buong buhay ko. Kung sa fanfic, meant to be kami. In real life, aminin na natin. Imposible yun.
My name is Mai and that was my story.
BINABASA MO ANG
A Drop in the Ocean
FanfictionSa fanfic, meant to be kayo. Pero in real life, lahat ng bagay sa pagitan niyo sinasabing hindi kayo para sa isa’t isa. Is there a love so strong to conquer all the trials?