"Most nights I hardly sleep."

1.1K 10 2
                                    

sorry for the foul words. just used them for emphasis.

Disclaimer: FANFIC lamang po ito. whatever the character does here, it doesn't reflect his/her personality in real life.

Tata:

Lumihis lang ang tingin ni Teng nang magpaalam na si Mai. He released her from that tight hug. “Aakyat na ako.”

Teng smiled. “Sige, baby. Tawagan na lang kita mamaya.”

Mai smiled back. Pumasok na siya ng lobby.

Tumingin na sa amin si Teng. Bumaba na si Fort mula sa kotse at hinarap siya. Bumaba na rin ako. Mahirap na. Baka magkagulo silang dalawa.

“So anong ginagawa niyo dito?” Tanong ni Teng habang nakasandal siya sa kotse niya.

“Totoo ba?” Si Fort. “Totoo bang pinilit mo si Mai?”

“Tsk.” Nag-chuckle si Teng. “San mo naman nalaman yan? Saka bakit ko siya kailangan pilitin? Eh girlfriend ko naman siya.”

“Teng, binabalaan kita ha. Wag mong sasaktan si Mai.”

“Eh paano kung hindi? Anong gagawin mo? Aagawin mo?” Hindi ko mabasa kung seryoso ba o hindi si Teng sa mga lumalabas sa bibig niya. “Bring it on, Fort. Agawin mo. Kung kaya mo.”

“Paano kung magawa ko?” Hamon na rin ni Fort.

Intense na masyado ‘tong eksena na ‘to. Lalo na yung titigan nila. “Tumigil na nga kayong dalawa.” Pigil ko sa kanilang dalawa.

“Pagsabihan mo yang kaibigan mo, ‘Ta. Alamin niya kung hanggang saan lang siya. Lumagay siya sa lugar niya.” Lumapit si Teng kay Fort. “Sa sideline. Sa gilid lang ng dinadaanan namin ni Mai.”

Tinulak siya ni Fort. Ano bang nangyayari kay Teng? Ang angas niya.

Nangiti lang ulit si Teng. Inayos niya ang damit niya at tumingin na ulit kay Fort. “Alam mo, inggit lang yan. Kasi ako, nagagawa ko lahat ng gusto ko kay Mai. At ikaw, hanggang pantasya ka lang.”

Pinigilan ko si Fort. Naka-close na yung kamao niya. Mukhang susuntukin na niya si Teng. “Tama na nga ‘yan. Para kayong hindi magkaibigan kung magsalita ah. Apat na taon kayong teammates. Apat na taon yung pinagsamahan niyo. Itatapon niyo lang ng dahil kay Mai?”

“Wala akong kaibigang ahas.” Sabi ni Teng bago siya maglakad papunta sa driver’s seat.

“Wala rin akong kaibigang bastos.” Sabi naman ni Fort bago makasakay ng kotse si Teng.

Ini-start na ni Teng yung kotse niya at umalis. I looked at Fort. Hindi madaling magalit si Fort. Cool lang siya lagi. Alam ng lahat yan. Pero pag kinanti mo talaga yung taong mahal niya, ibang usapan na yun.

“Hintayin mo lang ako dito, ‘Ta.” Sabi niya bago siya pumasok ng lobby.

“Uy, san ka na naman pupunta? Gulo na naman yan eh.” Gusto ko siyang pigilan. Pero hindi na siya nagpapigil. Sumakay na agad siya ng elevator. Lalala pa lalo ‘tong gulo na ‘to pag nagdecide si Fort.

Mai:

Nasa c.r. ako nang may mag-doorbell. Nagmadali akong magbihis. Baka kasi si Jeric yun. Baka may nakalimutan sabihin. Paglabas ko, nakabukas na yung pinto. “Eto na si Ate.” Sabi ni Ash.

Bumalik na si Ash sa study table. Tinignan ko naman kung sino yung nasa pinto. “Fort,” Siya pala. Hindi si Jeric.

Isasara ko na sana ulit yung pinto kaso hinarang niya. “May gusto lang ako malaman, Mai.” Tumingin ako sa kanya. Ano na naman kaya ito? “Totoo ba? Totoo bang pinilit ka ni Teng?” Kumunot ang noo ko. Lumabas ako at sinara ang pinto. Baka kasi kung ano pa ang marinig ni Ash. “Totoo bang pinilit ka niyang may mangyari sa inyo?”

A Drop in the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon