"As my train rolls down the East Coast."

1.2K 9 5
                                    

"I was thinkin' bout her, thinkin' bout me

thinkin' bout us, what we gonna be

I open my eyes

it was only just a dream."

"Meron." Sagot ko sa tanong ni Mai.

I looked at her. Straight in her eyes.

"Ikaw."

...

...

...

...

...

She looks at me. Straight in my eyes.

"Ako?" She smiled. She's not taking me seriously, does she? "Anong problema mo sa'kin?"

I looked away. Sighed before turning again to her. "Anong ibig sabihin ng mga pictures niyo ni Teng sa cellphone niya?" I faced her. "Sa kama? Magkatabi? Naka-hubad si Teng? Anong ibig sabihin nun, Mai?"

Hindi siya nakasagot. Instead, she just lowered her head. Does this mean... "Tell me. May nangyari na ba sa inyo? Ganun lang kadali? Ganun kabilis, Mai? Bumigay ka na agad kay Teng?"

She looked at me. Nakakunot na yung noo niya. "Sandali nga. San nanggagaling lahat ng yan ha Fort? Saka anong pakielam mo? Buhay ko 'to."

I shook my head. "Hindi ganito ang pagkakakilala ko sayo. Akala ko, iba ka. Akala ko-"

"Akala mo, ano? Boyfriend ko si Jeric at mahal ko siya. Anong mali kung ibigay ko yung sarili ko sa kanya?" She doesn't really get why I'm like this. "Saka, bakit ko kailangang magpaliwanag sayo? Eh kaibigan lang naman kita."

I chuckle. In my most sarcastic way. "Kaibigan kita. Akala ko, kaibigan kita. Of all people, sa lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon, ikaw yung huling ine-expect ko na magja-judge sa akin ng ganito."

She walked away. I didn't follow her. Frustrated. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Frustrated sa lahat ng bagay. Kay Mai, kay Teng, sa kanilang dalawa at higit sa lahat, sa sarili ko. Hindi sana ganito ang mga naiisip ko ngayon kung nung umpisa pa lang, inamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya. Hindi sana ako nahihirapan ngayon dahil sa selos.

A Drop in the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon