"So I'm holding on,
I'm barely holding on to you."
Teng:
Nakasandal ako sa kotse ko habang binabasa ang mga text ni baby. Ina-update niya ako kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya habang nasa Tagaytay sila. Promise niya yun eh. Pagbigyan niyo na kami. Hindi kami sanay ng magkalayo eh.
“Tara na nga!” Sabi ni Aljon. Mukhang napikon na siya kakahintay kay Fort. Bigla kasing nag-aya ‘tong mga ‘to na mag-Nuvali. Kanina pa nila tinext si Fort pero hindi nagre-reply. “Hindi na siguro sasama yun.”
Hindi na namin nahintay si Fort. Bumiyahe na kami papuntang Nuvali. Nag-wakeboard ng wala siya.
“Tsk. Minsan na nga lang sumama sa’tin si Teng, wala naman si Fort. Hindi na ba tayo makukumpleto?” Reklamo ni Kevin habang nagpapahinga kami.
“Hayaan niyo na. Busy yata kay Mela eh.” Sabi ko naman. “Laging na kay Mela yun eh. Lagi kong nakakasalubong pag pupunta ako kala Mai.”
They all looked at me. Bakit kaya?
“Hindi mo pa ba alam?” Kim asked. “Nagkakaproblema sila ni Mela ngayon.”
Wait. Hindi ko alam yan. “Sabi ni Mela, ilang araw ng di nagpaparamdam sa kanya si Fort. Ni ha, ni ho, wala.” Aljon shared.
Talaga? Eh nung isang araw lang, nakita po siya na paalis ng condo ni Mela. “Eh sinong pinupuntahan niya sa condo nina Mela?” I asked kahit alam kong wala rin naman silang masasagot sa akin.
Tumayo na ako. “Sige, guys. Mauna na ako.” Paalam ko sa kanila.
“Paps, san ka pupunta?” Kevin asked.
“Pupuntahan ko si Mai. Nandito na rin lang ako sa Laguna eh.” Tinukso pa nila ako habang naglalakad ako papunta sa kotse ko. Hindi raw ako makatiis. Haha. Syempre, miss ko na ang baby ko.
…
Mai:
Pagbaba ko ng jeep, nakaparada na sa tapat ng hotel yung mga bus. Matagal ba kami ni Fort sa Monte Maria? Bakit nandito na agad sila? Sana hindi pa sila nakikita ni Jeric. Bakit kasi sinabi ko pang kasama ako sa Flower Garden? Pero kung di naman ako magsisinungaling, mas magtatanong pa yun kung sinong kasama ko habang nasa Flower Garden ang mga kasama ko. Hayz. Bahala na nga.
I walked in to the lobby. Nandoon pa si RM. Nakita na niya agad ako. “Mai! Nakapag-usap ba kayo ni Fort?” AHA! Siya pala ang may pakana nito!
“Oo. Nakausap ko na siya. Ikaw ha! Lagot ka sa’kin mamaya. Pahamak ka!” Mamaya na yung kasalanan niya. Ang importante ngayon ay, “Nakita mo si Jeric?”
“Fortuna? Diba, kayo ang magkasama?”
“Loka-loka! Si Jeric Teng! Nandito daw siya eh.”
Nagulat siya. “Oh my God! Nandito siya?”
Palingon-lingon ako sa paligid. Until I saw him. Pababa ng hagdan. “Baby!” Tawag niya sa akin.
“Mag-usap tayo mamaya ha.” Sabi ko kay RM bago ko lapitan si Jeric. “Jeric.”
He held me on my waist. “You’re okay? Hindi ka ba na-allergy sa Flower Garden?”
Mukhang paninindigan ko na yung pagsisinungaling ko sa kanya. “H-hindi naman. May takip naman yung ilong ko kanina.”
He looked at me. OMG. Hindi siya naniniwala? Mukhang hindi. But then, he smiled. “That’s good. Tara. Samahan mo ako magmeryenda.”
We walked out of the lobby and went to the balcony. Habang hinihintay namin yung order niya, nakatingin siya sa view ng Taal Volcano. Iniisip ko naman kung sasabihin ko ba sa kanya yung sinabi ni Fort kanina. Kung sasabihin ko, magagalit siya. Sigurado, susugurin niya si Fort. Magkakagulo sila. Magugulo yung friendship nila ng dahil sa akin. Parang hindi ko yata kaya yun.
BINABASA MO ANG
A Drop in the Ocean
FanfictionSa fanfic, meant to be kayo. Pero in real life, lahat ng bagay sa pagitan niyo sinasabing hindi kayo para sa isa’t isa. Is there a love so strong to conquer all the trials?