"Never counting the regrets."

1K 12 7
                                    

"The promises you made

Couldn't finish what you started

Only darkness still remains."

Fort:

“Umuwi na tayo. Magpahinga ka na, Mai.” I told her habang inaayos ko ang buhok niya.

Siya na mismo ang nagpunas ng mga luha niya. Humawak siya sa braso ko at tinulungan ko siyang tumayo.

Tahimik kaming bumaba ng hagdan at naglakad palabas ng bahay. Ako ang nagbukas ng pinto ng kotse para sa kanya. She paused for awhile. Tumingin siya sa balcony ng bahay nina Teng. Pero sumakay din agad.

Tahimik pa rin siya habang nasa biyahe kami pauwi sa condo nila. Pero kahit wala siyang imik, kusang tumutulo ang mga luha niya. Kinapa ko ang panyo ko sa bulsa at inabot sa kanya.

She looked at me. “Punasan mo ang mga luha mo.”

She touched her face. Sa lalim ng katahimikan niya, hindi na niya naramdamang umiiyak pa pala siya. Tinanggap niya ang panyo ko at pinunasan ang mukha niya. Tapos tumingin na ulit siya sa labas.

Teng:

Nakahiga ako sa garden namin. Nakakasawa ng maglaro ng 2K eh. Lagi na rin akong tinatalo ni Jeron these past few days. Sinasamantala niya ang pagiging broken hearted ko at ipinagkakalat pa sa mga kaibigan naming na mas magaling na siya sa akin ngayon. Mukha niya! Porke lagi kong iniisip si Mai.

Gaya ngayon. Nasa isip ko na naman siya. Kamusta na kaya siya? Umiiyak pa kaya siya? Hayy. Eto na naman ‘tong mga luha ko. Kusa na namang tumutulo. Di man lang nagwa-warning. Pag naaalala ko siya, kusa ng lumuluha yung mga mata ko. Ewan ko ba.

Nag-message alert ang phone ko. May text from my teammates. Lumabas naman daw ako. Tigilan ko na daw ang pagmumukmok. Buti sana kung ganun lang kadali eh. Kaso hindi. I closed the message window.

Pahamak na text yan. Nakita ko tuloy ang ngiti ni Mai. Picture niya pa rin kasi ang wallpaper ko eh. Hinimas ko ang screen ko. Hanggang dito ko na lang mahahawakan ang mukha niya. Hanggang dito ko na lang makikita ang ngiti niya na gusto kong ibalik kaya mas pinili kong lumayo sa kanya.

“Sorry, baby.”

Ano ba ‘to? Nababaliw na yata ako. Kinakausap ko na ang picture niya na hindi naman sasagot sa akin. Tinabi ko na ang phone ko at tinakip ang braso ko sa mga mata ko. Baka kasi may makakita pa sa akin na umiiyak.

Fort:

Madaling araw pa lang, nasa tapat na ako ng condo kasama sina RM at Jhona. Hinihintay namin sina Mai at Ash na bumaba mula sa unit nila. Mayamaya lang, nandito na sila.

“We’re ready!” Sabi agad ni Ash paglabas niya ng lobby. Excited eh.

I looked at Mai. Halatang hindi pa siya okey pero at least, hindi na namumugto ang mga mata niya kakaiyak. She just looks sad.

“Ano pang hinihintay natin dito? Tara na!” Aya ni Jhona. Isa pang excited.

“Let’s go! Here we come Batangas!!!” Si RM, ang pinaka-excited sa lahat.

Nabasa niyo naman from RM, pupunta kaming Batangas. Gustong ipasyal nina RM at Ash si Mai, for fresh air daw.

Sumakay na kami sa kotse. Sa likod sina RM, Jhona at Ash. Sa tabi ko naman si Mai.

Habang nasa biyahe, tahimik lang si Mai habang nagkukulitan at nagkakantahan sa likuran yung tatlo naming kasama. Panay ang tingin ko sa kanya pero ni minsan hindi niya ako nilingon.

A Drop in the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon