Teng:
Morning. WAH! Ang sakit ng ulo ko pero kailangan ng bumangon at mag-almusal. Pagbaba ko sa dining room, si Jeron ang naabutan ko. Tinanghali na rin yata ng gising.
“Kagigising mo lang, kuya?” He asked.
“Oo.” Umupo ako at hinawakan ang ulo ko. “Ang sakit ng ulo ko.”
“Tsk.” He chuckled. “Ano bang pinainom sayo ng tito ni Ate Mai?”
“Emperador. Di naman ako sanay uminom ng ganun kaya… na-tipsy ako agad.” Speaking of Mai, “Nahatid mo ba siya kagabi?”
“Yup. Pero bumalik ako diba, kasi nakalimutan niya yung susi niya sa kotse.” Tapos bigla siyang huminto sa kwento niya at naging seryoso bigla yung tono ng boses niya. “Kuya, sigurado ka bang ikaw lang ang Jeric sa buhay ni Ate Mai?”
Ano bang sinasabi nito ni Jeron? “What do you mean?”
He sighed before started talking. “I saw her last night with someone else. And that someone else is Kuya Fort. I mean-“
I cut him off. “Mai and Fort are close. Mas nauna silang magkakilala kaysa sa amin and they’re donut buddies.”
“Buddies lang ba talaga? Are you sure there’s nothing more?” Ano bang nakita ni Jeron bakit ganito siya magduda kay Mai? “Iba kasi yung nakita kong titig ni Kuya Fort kay Ate-“
“Jeron, stop this.” Sabi ko sa kanya. “Napag-usapan na namin yan ni Fort.” Tumayo na ako at dinala na lang yung pinatimpla kong kape sa kwarto ko. Masyadong masakit ang ulo ko para mag-explain kay Jeron.
But his words, “Iba kasi yung nakita kong titig ni Kuya Fort...” Pero sabi ni Fort, wala diba.
Wala.
…
It’s a Sunday. Kaya magkasama kaming nagsimba ni baby. I can’t be the Teng na makulit around her now. Ewan ko. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Jeron sakin kaninang umaga.
Tapos na pala yung misa, si Baby talaga, parang bata. Nagpabili pa ng dirty ice cream. Kainin daw namin bago umalis ng simbahan. Umo-o naman ako.
“Bakit ang tahimik mo?” Tanong niya. Napapansin pala niya. “Masakit pa ulo mo dahil sa ininom niyo kahapon ni Tito?”
Hindi, baby. Iba ang nagpapasakit ng ulo ko. “Baby, may gusto ka bang sabihin sakin?”
Nag-isip siya sandali. Sasabihin niya kaya? “Mmm.. Wala naman. Bakit? Ano bang kailangan kong sabihin sayo?”
I looked away. “Wala.” Hindi niya masabing nagkita sila ni Fort kagabi.
“Mmm.. Siya nga pala. Si Jeric nasa condo kagabi.” I looked at her. Casual lang yung pagkkwento niya. “Hinihintay niya si Mela kaso hindi ko na alam kung dumating ba kasi nakatulog na ako.”
Napansin niyang nakatingin ako sa kanya habang nagkukwento siya. “Bakit?”
I smiled. Hinawakan ko yung kamay niya. “Ang totoo, alam ko na nagkita kayo ni Fort kagabi. Nakita kayo ni Jeron. I was just testing you kung sasabihin mo sa akin.”
Kumunot yung noo niya ng konti. “Bakit mo naman ako tine-test? Saka bakit ko naman itatago sayo yung mga ganung bagay?” She smiled. I kissed her hand. “Nagseselos ka ba?”
“Mmm…” Does she want a serious answer? “Medyo. Kasi…”
Kinuha niya yung kamay niya. “Seloso.”
Alam ko na ‘yan. Kunwari, nagtatampo. Kaya kinuha ko ulit yung kamay niya and kissed it again. “Mahal kita kaya nagseselos ako.”
She just smiled. Ganyan naman lagi eh. Sa tuwing sasabihan ko siya ng ‘I love you’, it’s either ngingiti lang siya o magte-thank you siya sakin. Hay… Kailan niya kaya sasabihin sa akin yung ‘I love you too, Jeric’? Kailan kaya kung yung Jeric nga, di niya matawag sa akin.
BINABASA MO ANG
A Drop in the Ocean
FanfictionSa fanfic, meant to be kayo. Pero in real life, lahat ng bagay sa pagitan niyo sinasabing hindi kayo para sa isa’t isa. Is there a love so strong to conquer all the trials?