"And all I think about is how to make you think of me
and everything that we could be..."
“Bakit ka bumalik?” I asked habang humaharap sa nagtakip ng mga mata ko. Nabitiwan ko yung milk tea ko.
He’s looking at me with fierce eyes. He’s not Jeric, as in the Jeric Fortuna, but it’s,
“Teng,”
He’s still looking at me.
In my eyes.
Before he smiled. “Bakit bumalik sa Teng? Kanina, Jeric na ah.”
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Kaya iniba ko na lang ang usapan. “Akala ko, umuwi ka na.”
“Tinatawagan kasi kita, si Ash ang sumagot. Sabi niya nga na nandito ka.” He held me in my shoulders. “Baby, kahit nasa vicinity pa ‘to ng building, hindi ka dapat pumupunta dito ng ganito ka-late. Let’s go. Ihahatid na kita.”
He held my hand and tried pulling me but I wasn’t moving from my position. He looked at me. Nahihiya ako sa kanya. Napagkamalan kong siya si Jeric, I mean, Jeric Fortuna.
“Bakit, baby?”
He looked at me.
Naging seryoso siya.
“May sasabihin ka ba?”
I looked at him. Gusto kong mag-sorry for mistaking him over- But he smiled.
“Alam ko na,” He looked at the milk tea na nabitiwan ko. “Yung milk tea mo. Fine, magmi-milk tea muna ako bago ako umuwi. Okey na ba yun?” I smiled at him. Hindi ko na lang sasabihin. Baka ano pang isipin niya.
…
It’s a Monday. 5:50am. Nagmamadali na akong lumabas ng unit, sumakay ng elevator at bumaba ng lobby. 5:30 pa kasi nandun si Teng.
Kinuha niya agad yung mga gamit ko when he saw me. “Tsk. Tanghali ka na naman, baby.” Sabi niya habang nilalagay yung mga gamit ko sa kotse.
“Eh mabilis ka namang magdrive diba.” Sabi ko naman habang sumasakay sa kotse at nagsi-seatbelt.
Sumakay na siya, nag-seatbelt and looked at me. He smiled before, “Kapit, baby. Papaliparin ko na naman ‘tong kotse para di ka ma-late.” And so he did. Almost.
Ang bilis niya talaga mag-drive kaya kahit 5:50 na kami umalis sa Manila, 6:55, nasa Lagro na kami. Kaya nga kampante na ako na umalis ng ganung oras, kasi halos paliparin na niya yung kotse para lang di ako ma-late sa school. Mada-drop kasi ako pag na-late pa ako ng isa pang beses eh. But thanks to Teng, hindi ako nangangamba just in case tanghaliin ako ng gising.
Pag wala siyang klase, sinusundo niya rin ako sa school. Eksaktong 1pm siya dumadating sa school. Minsan, nale-late pag traffic sa Quezon Ave. pero hindi siya pumapayag na hindi ako masundo. Pinapayagan ko na rin siyang kung san san ako dalhin. Kaya madalas, pagkasundo niya sa akin from school, sabay kaming nagla-lunch.
Nilagay na ng waiter yung order naming pagkain sa table. Nag-ring yung phone ni Teng pero kinancel niya agad when he looked at it. “Bakit di mo sinagot? Baka importante.” Sabi ko sa kanya.
“No, it’s not.” Sabi niya lang. “Kain na tayo.”
Habang kumakain kami, nag-ring ulit yung phone niya. Kinancel niya ulit yung tawag then put his phone aside. Nung nag-ring ulit, kinuha ko yung phone and answered the call. “Hello.”
“Uhm. Is this Jeric’s phone?” Sabi nung babae sa kabilang line.
“Yes but he’s eating so he can’t answer your call. Who’s this?” Sagot ko. Oh ha. Lumalaban din ako ng inglesan paminsan-minsan.
BINABASA MO ANG
A Drop in the Ocean
FanfictionSa fanfic, meant to be kayo. Pero in real life, lahat ng bagay sa pagitan niyo sinasabing hindi kayo para sa isa’t isa. Is there a love so strong to conquer all the trials?