"Misplaced trust and old friends."

1K 13 4
                                    

"You hold my heart

in the palm of your hand

And squeeze out my love

it's hard to mend"

Fort:

“Mai,” Tawag ko kay Mai when I saw her.

She turned on me. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito! Bakit kasi ayaw mo ako tigilan! Bakit kasi ayaw mo kaming tigilan!”

She’s crying. Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya. I hugged her. Nagpupumiglas pa siya. She was pushing me away. But I don’t want to let go.

No. I won’t let go. Not now.

I pushed her head to rest on my shoulder and let her cry her heart out.

Mayamaya, nakita kong bumalik ang kotse ni Teng. Our eyes met. Hinigpitan ko ang yakap ko kay Mai.

Wala akong intensyong gumanti. Pero hindi ko hahayaang saktan niya si Mai ng ganito. I looked at him sharply as I hug Mai tighter.

I looked at Mai. I held her on her cheeks. “Umuwi na tayo, Mai.” I wiped her tears.

Hinubad ko ang suot kong jacket at sinuot sa kanya bago ko siya inalalayang makasakay ng kotse. I looked at Teng one more time bago ako sumakay sa kotse ko.

Ako ang nagbukas ng pinto para kay Mai papasok ng lobby ng condo. Tahimik lang siya kanina pauwi at tahimik pa rin siya hanggang ngayong naglalakad na kami papunta sa elevator. Pinindot ko na ang button going up.

“Okey na ako, Fort. Pwede mo na akong iwan.” Sabi niya without giving me a look.

“Pero Mai,”

*TING*

Bumukas na ang pinto ng elevator. “Good night, Fort.” Paalam niya bago pumasok.

Kagaya ng gusto niya, hindi ko na siya sinundan. Hinayaan ko na siyang mag-isa paakyat sa unit nila. Now, I can only hope that she’ll be okay.

Alone.

...

Hindi ko na inayos ang pagparada ko sa kotse ko. Bumaba na agad ako at pumasok sa loob ng condominium. Hindi ko na nga yata na-i lock yung kotse ko. Bahala na nga.

Kanina pa kasi tawag ng tawag sa akin si Ashley. Tumakbo ako papunta sa unit nila paglapag na paglapag ng elevator sa 19th floor. Isang katok lang, binuksan na agad ni Ash yung pinto. “Si Mai?”

“Nasa loob pa rin ng c.r. eh.” Pumasok ako at lumapit sa c.r. ng unit. Naka-lock yung pinto. “Kagabi pa siya dyan, Kuya. Hindi ko na alam gagawin ko. Nagtatanong na si Tita kung anong nangyayari sa kanya.” I looked at Ash. Kitang-kita ang takot sa mga mata niya.

“Yung susi.” I told her. “Kunin mo yung susi.”

Pagkabigay niya ng susi sa akin, sinubukan ko agad buksan ang pinto. I was successful. I opened the door and found her near the shower. Nakaupo lang siya sa isang sulok habang hawak yung phone niya.

I knelt down to face her. “Mai,” I lifted her face.

“Fort, bakit ganun? Kagabi ko pa siya tinatawagan. Bakit di niya sinasagot ang mga tawag ko? Bakit ganun siya? Fort, anong problema niya? Nag-promise siya sa’kin. Nag-promise siya sa’kin!” Sabi niya habang tumutulo ang mga luha niya.

Sa hitsura niya, parang di pa siya tumitigil sa pag-iyak. I was speechless. She’s miserable.

“Fort, kausapin mo siya. I-explain mo sa kanya na walang ibig sabihin yung nakita niya. Sabihin mo sa kanya na lalayuan mo na ako. Fort, please… Di ko kayang wala si Jeric.”

A Drop in the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon