"tell me
whats the use
of holdin' on
when all we do
is hurt our love "
Teng:
Stuck on traffic. Stuck with Mai na kanina pa iyak ng iyak sa tabi ko. “Wag ka na umiyak.” I calmly told her. Pinunasan naman niya yung mga luha niya pero mayamaya lang, nagsimula na naman siyang umiyak.
The traffic light turned green. Pinaandar ko na ang kotse. Habang nagda-drive, naririnig ko ang iyak niya. Mas lalo lang sumasama ang mood ko.
I parked the car on the side. “Sabi ko, tumigil ka na!”
She looked at me. Nagulat siya sa sigaw ko. Binuksan niya ang pinto at lumabas ng kotse. Bumaba ako at hinabol siya. “Mai,” I pulled her back nung maabutan ko siya.
“Sorry.” Sabi niya pagharap niya sa akin. “Sorry.” Nakayuko siya.
I lifted her face. “Bakit ka nagso-sorry?”
“Sorry. Kung hindi dahil sa akin, di ka mapapahiya ng ganun kanina.”
What is she saying? She lowered her head again. “Bakit ka nagso-sorry? Ikaw na nga ang napahiya kanina, ikaw pa ang nagso-sorry sa akin?” I lifted her face again. “Baby, ako ang dapat mag-sorry sa’yo. Ako yung wala nung nandun ka sa stage. Kung nandun lang ako, hindi sana mangyayari ‘to.”
“I’m sorry, baby. Sorry.” I hugged her. Tight. And rested my chin on her head. “Sorry, baby.”
She looked up to me. I held her on her cheeks, leaned in and kissed her.
Mai:
Nakasandal pa rin ako sa balikat ni Jeric habang nakaupo kami sa harapan ng kotse niya. Naka-park pa rin sa gilid ng daan ang kotse niya. His other hand is wrapped around my waist.
“Baby,” Seryoso niyang tawag sa akin. I pulled away from him and looked at him. “Hindi ka ba nagugutom?” Hinawakan niya ang tiyan niya. “Gutom na ako eh.”
Napangiti ako. Hay naku, naman. Bakit hindi siya nagsabi kanina pa? Talagang hinintay niya na tumigil ako sa pag-iyak bago siya magreklamo na gutom siya.
“Wag na pala. Nabusog na ako sa ngiti mo.” Kita mo ‘to, nakuha pang magbiro.
…
Kanina pa siya drive ng drive pero hindi kami makapag-decide kung saan kami kakain. Kaya ang ending, we just went to to 24 hour – convenience store at doon namili kung anong gusto naming kainin.
Habang namimili ako kung anong kakainin ko, napansin kong nakatayo siya sa harap ng lalagyan ng donuts. Nilapitan ko siya. Wala pa ring laman yung basket niya eh.
“Anong ginagawa mo dyan?” I looked at the donuts. “Gusto mo ng donuts?” Nakakapagtaka lang. Hindi naman siya mahilig sa donuts eh.
“No. I was just thinking kung gusto mo ng donuts. Kasi diba, you used to eat donuts lalo na pag malungkot ka.”
And donuts remind me of Fort. I’m sure, naiisip niya rin yun as he looks at the donuts. I held his hand. “Wag na. Kasama naman kita eh, bakit pa ako malulungkot.” He smiled at me. “Nakakita ako dun ng Hello Panda. Gusto mo?”
Lalong lumaki ang ngiti niya. Hinila na niya ako papunta sa shelves. Pagdating namin sa shelf na lalagyan ng Hello Panda, kumuha siya ng kumuha ng biscuits hanggang sa mapuno na niya yung maliit niyang basket. Haha. Parang bata.
BINABASA MO ANG
A Drop in the Ocean
Fiksi PenggemarSa fanfic, meant to be kayo. Pero in real life, lahat ng bagay sa pagitan niyo sinasabing hindi kayo para sa isa’t isa. Is there a love so strong to conquer all the trials?