Chapter 21 : The Unacceptable Truth

5 0 0
                                    

Jam's POV


Ayaw ko sya maging mama, pero sya padin ang nagluwal sa akin sa mundo kaya susubukan ko pading kausapin sya.


Nagpunta kami ni Zion sa isang restaurant kung saan namin kikitain si Mrs. Myrna, meron kasi syang calling card nito



"Kinakabahan ako Zion"


"Nandito lang ako, wag kang kabahan"


Hinawakan  ni Zion ang kamay ko


Maya maya ay dumating si Mrs. Myrna, umiiyak itong yumakap kay Jam


"Kamusta ka anak?"


"Mabuti po"



"Pasensya na kung palihim akong kumuha ng DNA Sample mo, wala na kasi akong magawa, patawarin mo ako"


"Nadinig ko po ang story kung paano ako nawalay sa inyo at sobra ko pong ikinalungkot iyon, pero masaya na po ako sa buhay ko ngayon"


"Naiintindihan ko at hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo, pero payagan mo akong maging mama mo, ilang buwan nalang babalik na ako sa America kaya gusto kong sulitin ang panahong magkasama tayo"



"S-sige po"



wala akong galit sa tunay kong ina, dahil kinuha sa kanya ang anak nya, at kahit sa ampunan ako lumaki ay nagpapasalamat padin ako dahil kung hindi nangyari iyon ay hindi ko makikilala si mom, dad at si Zion.



Zion's POV


Masaya ako for Jam and Mrs. Myrna, buti nalang at maunawain si Jam at pumayag sya na mag bonding sila.


Nag CR na saglit si Jam at naiwan kami ni Mrs. Myrna sa lamesa


"Zion"


"Po?"


"Sorry to tell you this pero, gusto ko pading magpa DNA test tayong dalawa... feeling ko talaga ay anak din kita"


Napatayo ako sa kinauupuan ko


"Mawalang galang na po, pero pakiusap wag nyo nang ituloy dahil hindi po kami magkapatid ni Jam, at hindi po ako papayag na maging magkapatid kami"


"May gusto ka sa kanya?"


"Nagmamahalan po kami"



"Pero mas magandang malaman natin ng mas maaga para hindi na lumala ang feelings nyo sa isa't isa"


sabi nya


"Bakit po ba pinagpipilitan nyong anak nyo ako? ayaw ko po! ayaw ko!"



"Kung meron kang birth mark na pa diamond sa kanang dibdib mo na may nunal, ikaw ang nawawala kong anak na si James"


"Wala po kaya tumigil na kayo!"


napalakas ang boses ko kaya lumabas muna ako


Bigla akong na stress, bigla akong nasiraan ng ulo, This is wrong... may Birth mark akong diamond na may nunal sa kanang dibdib ko... pero hindi padin ako naniniwala.


Tinext ko si Jam na sa labas muna ako para makapagusap sila, pero maya maya'y lumabas na agad sya


"Oh bakit?"


tanong ko



"Ah... nagpaalam nako.. sabi ko sa susunod nalang kami magkita"


GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon