Chapter 17 : Hot Rainy Night

18 0 0
                                    

Zion's POV

Sumapit ang araw ng Friday, dumiretso ako sa bahay para magimpake, aalis ako ng Sunday Morning

"Nakakapagod"

Binuksan ko ang Ref at nagopen ng beer, gusto kong makapagrelax bago ako umalis sa bahay na ito


minsan naiisip kong tapusin na ang lahat dahil wala naman na akong dahilan to stay, lumalabas na ang weakest side ko at parang na hihirapan  na ako sa situation ko

Nakaka anim na bote na ako, naramdaman kong tinamaan na ako ng alak, nahihilo at nagiinit ang katawan ko

Napatayo ako bigla nang may nagbukas ng Main door, halos mapatakbo ako

"Mommy?"

Ngunit hindi si mommy ang nakita ko

"Jam? bat andito ka?


Nakatayo si Jam ay basang basa, malakas ang ulan ngunit nagpunta parin sya sa bahay, alam nya ang passcode ng maindoor.

"Sorry, pumasok nako kasi ano... ahm bukas yung gate mo ha!, bakit hindi mo sinara?"

"Hindi mo naman tinapos yung reasons mo bakit ka andito"

tanong ko

Jam's POV

Galit na galit ako kay Zion dahil sa ginawa nyang pangloloko sakin, he's a great pretender, sinira nya ang tiwala ko sa kanya.

Hindi pumasok si Zion simula nang maghiwalay kami sa Baguio, abot langit ang pagaalala ko sa kanya

"Nakauwi naba yun? siraulo yun, wala naman tao sa bahay nila, nasan na ba sya?"

tumawag ako sa hotel pero sabi ay nakapagcheck out na sya, kaya inisip ko kung saan pa sya pwede pumunta

Tumawag ako sa Orphanage

"Hello"

Lalaki ang nakasagot

"Pwede kay Sister Agnes?"

"Wait lang, sino sila?"

Kaboses ni Zion iyon, kaya possible talaga na sya yun

"Ahm, pasuyo nalang po kuya"

"Ah sige sandali"

"Sister, May naghahanap po sa inyo"

"Ah, sandali lang Zion"

Nang madinig ko na sinabi iyon ni Sister ay agad kong binaba ang telephone, kampante nako at hindi na ako tatawag ulit dahil baka isipin ni Zion ay bati na kami

Hanggang dumating ang lunes at nakita ko nga sya, pilit nya akong kinakausap pero pilit ko pading pinapakita na galit ako at hindi na kami ok

Ngunit nang pumasok syang may mga band aid sa mukha ay nagaalala ako nang husto, pero hindi ko alam kung pano ko sya lalapitan

Nalaman ko din na hindi na sya papasok sa School, pero gusto ko malaman kung bakit? ano bang nangyayari sa kanya?

Uwian nang araw na iyon nang sundan ko sya, nagmamadali sya na kala mo'y may tinatakasan, nagpunta sya sa parking at kinuha ang car at pinaandar iyon agad nang biglang humarang si Clarisse

Dinig na dinig ko ang usapan nila, si Gino blinablackmail nya si Zion gamit ang video namin? at si Clarisse ay sinasamantala iyon para pilitin si Zion sa mga gusto nya, sila marahil ang nagpapahirap sa kanya,

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon