Chapter 14 : Baguio

12 0 0
                                    

Zion's POV

Gabi na nang makarating ako sa Baguio, agad akong nagtungo sa Hotel na usual pinagsstayan namin ng Family ni Jam everytime mag babaguio kami

Naconfirm ko nga na nandito sila sa hotel na ito at umakyat na ako agad

Pagkatok ko ay biglang bukas ng pinto

"Zion"

Niyakap ako agad ni Jam

"Ang saya mo ah"

Sabi ko, dahil sila na ulit

"Pasalubong?"

sabi nya

"Oh, pizza lang nadala ko eh"

"Pasok ka anak"

sabi ni Tita

"Good evening tito, tita"

"It's nice to see you here Zion, buti at nakahabol ka, kumain kanaba? halika at ipagahahain kita, teka anong nangyari sa mukha mo?"


"Thanks tita, nadapa po ako habang naglalaro ng basketball"


"Ganun ba? magiingat ka sa susunod ha? congrats nga pala"


"Salamat po"

hinainan ako ni tita ng pagkain, sakto at nagugutom na din ako

Pang Family room ang kinukuha namin, may kitchen, and 2 rooms

Magkasama kami ni Jam sa room, double deck naman ito kaya ako sa taas at sya sa baba, habang si Tito at tita ay nasa kabila lang na room,

Magkapatid ang tingin samin ng magasawa dahil alam nila na gay ako ay kampante na sila sa akin

Oras na para magpahinga, pinatay na namin ang ilaw at tanging lamp lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid

Habang nakahiga ako ay nakatingin ako sa kisame, pilit kong inaabot ang kisame ng paa ko dahil wala akong magawa


"Ang likot mo"

sabi ni Jam

"Bakit gising kapa?"

sinilip ko sya at hawak nya ang phone nya

"Ngayon palang kasi ako mag oopen ng FB, maguupload kasi ako eh, naging busy kami buong araw"

"Kaya pala cannot be reached ka eh"

"Namiss mo yata ako ah"

sabi nya, hindi nalang ako sumagot

Gusto kong magkwento sa kanya pero hindi ko magawa

"parang tulog kana yata?"

sabi nya

"Gising ako"

mahina kong sagot

"Sya nga pala Zion, may gusto sana ako sabihin sayo"

"Alam ko na yun Jam, kaya wag mo na sabihin"

Sinuot ko ang headset ko at natulog


Jam's POV

"Zion!"

Tumayo ako para silipin si Zion, nakaheadset na sya at hindi nya ako naririnig

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon