Chapter 6 : Lonely Day

8 0 0
                                    

Jam's POV

Late akong nakapasok, pawisan nanaman akong nakarating sa room, mugto ang mata ko kaya sinuot ko ang salamin ko at inayos ang bangs ko na laging nakaclip

Katabi ko si Zion dahil magkasunod ang mga surnames namin, ngunit wala sya sa class namin

Nadidinig ko ang kwentuhan ng mga classmates ko about Zion pero hindi ko nalang pinapansin.

Alam na nilang lahat ang secret ng bestfriend ko

Lunch Break, pilit kong hinanap si Zion dala ko kasi ang food nya

"Baka nasa tambayan sya"

Agad akong nagtungo sa tambayan, at hindi ako nabigo, nakita ko syang nakaupo sa ilalim ng puno

"Zion"

Tinawag ko sya, pero nang makita nya ako ay agad syang tumakbo

"Hala, gagi"

sabi ko, kaya hinabol ko sya

Hiningal lang ako, nawala syang parang bula

"Bakit sya tumakbo?"

Naglakad na ako papuntang tambayan nang masalubong ko ang dalawang babae

"Nabalitaan mo ba yung sa court kanina?"

Nang madinig ko yun ay hindi ako nagatubiling magtanong

"Excuse me"

"Yes?"

sagot nang isang student na nakangiti

"Yung about sa court what happened? nandoon kasi ang kuya ko"

pagsisinungaling ko

"Ah yung team Captain binato ng bola nung isang student"

"B-bakit?"

"Bawal daw ang bakla sa School"

"Grabe naman sila"

"Kaya nga, parang tanga yung mga galit sa gay, samantalang hindi naman sila inaano, ang gwapo pa naman yung captain, buti hindi nya pinatulan, baka matanggal sya sa team"

Sabi ng student

"Unfair naman, salamat sa info mga miss"

"No problem"

Nagpaalam ako sa kanila, kumain ako magisa sa tambayan namin, labis akong nababahala para kay Zion

Simula nang araw na iyon ay hindi ko na nakakausap si Zion, si Gino ay blinock ako sa Cellphone pati ang FB nya ay deactivated

Ayaw ko naman syang puntahan sa music room dahil ang bilin ni Zion ay bigyan ko ng space ang BF ko

Dumating ang araw ng weeked

"Anak, ano nakausap mo naba si Zion?"

"Hindi po mommy"

"Pasaway na bata, eh magpapasko na 1 week nalang kayo sa class"

"Actually mommy 3 days po kasi Christmas Party po namin sa Thursday"

"Ha? eh paano si Zion?"

"Hindi po sya pupunta, sabi kasi nung classmate ko binigay na daw ni Zion ung gift"

"Nasaan kaya ang batang yon?"

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon