Chapter 8 : Like a Couple

8 0 0
                                    

Jam's POV

Two Days After Christmas ay nagdecide kami ni Zion na pumunta sa isang baryo sa malapit na province, ginagawa namin ito taon taon with Gino, nagdadala kami ng gifts at nagtuturo sa mga bata ng kaunti, may dala din kaming mga first aid kit at mga gamot.

"Kuya Z at ate Jam, bumalik po kayo"

"Hello Kids, merry Christmas"

"Merry Christmas po"

Naglapitan din ang mga matatanda upang bumati at mangamusta

"Miss Jam, nasaan si Sir Gino?"

"Ah, ate wala po sya ngayon umuwi po sa Province"

"Ganun ba? sayang naman"

"Ok lang po iyon"

sabi kong nakangiti, pero deep inside ay gusto ko syang kasama ngayon

Nagsimula kaming mag gift giving. Hapon na nang matapos kami pati ang pagaapply ng basic medicine sa mga sugat ng bata at pagbibigay ng mga gamot sa bawat pamilya.

"Ma'am aalis na po kami"

Paalam ni Zion sa pinaka mataas na official

"Maraming salamat sa inyong dalawa sa taon taon nyong pagtulong sa maliit naming lugar"

"Wala po yun"

Sabi ko

"Bakit hindi muna kayo magpalipas ng gabi dito"

"Naku ayos lang po"

sabi ko

Hindi na nila kami pinilit

Hindi pa man kami masyadong nakakalayo ay bihlang buhos ng malakas
na ulan,

"Zion, wala kabang payong?"

"Wala eh"

"Basa na tayo"

"Balik nalang tayo sa Baryo Masagana"

"Sige"

Basang basa kami ng ulan nang salubungin kami ng mga tao

"Dito na muna kayo magpalipas ng gabi ok? madulas sa bundok pababa"

"Opo mukhang matatagalan pa po ang ulan na ito"

Nagulat kami sa binigay na silid, gawa ito sa kawayan at medyo may kaliitan

"Haha naalala ko nung bata tayo sa labas ng building may kubo, doon tayo natutulog sa tanghali"

"Haha, oo nga tapos hahanapin tayo ni sister, papagalitan tayo kasi ang dudungis natin"

"Ang sarap maging bata no?"

sabi ni Zion

"Exactly, hindi mo mararanasan ang break up"

"Ayan ka nanaman, baka umiyak ka nanaman"

"Hindi no"

"Sus! magbihis kana baka mag kasakit ka, buti at hindi nabasa mga extra damit natin"

"Oo nga eh, sige bihis nako, ikaw din ah"

Lumabas si Zion, sa CR nalang daw sya magpapalit ng damit.

Zion's POV

Nagpalit ako nang damit, at bumalik na sa room, yon lang ang available na silid that time, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, bata pa kami nang huling natulog nang magkatabi

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon