Chapter 7 : Great Pretender

11 0 0
                                    

Zion's POV

Nagalala ako kay Jam simula nang subukan nyang wakasan ang buhay nya dahil kay Gino, hindi ako mapakali at binilin ko kay tita na bantayan si Jam ng husto

Sa paguusap namin ay mukang narealized nya naman ang ilang mga bagay

Dahil ilang araw nalang ay Christmas na, kinabukasan ay nakigulo ako sa mall para hanapan ng nagandang regalo si Jam

Nakita ko sa Mall ang Team ko, galing silang School.

"Z"

Pagbati ni Danny

"Dan"

"Kamusta? nabalitaan namin nangyari sayo after school last week, sila din  ba yung nanggulo sa court?"

"Hindi"

"Kala ko sila padin, kasi nga pinagalitan na yun ni Coach pinuntahan sa classroom nila"

"Ganun ba? salamat kung ganun"

Aalis na sana ako nanghawakan ako ni Harry

"Cap, tanggap ka namin"

"Salamat"

sabi ko

"Sana hindi magbago yung samahan natin, kahit bali baliktarin ang mundo Captain ka padin ng team at ikaw ang pinakamagaling"

"Ako pa talaga binola nyo"

sabi ko

"Tara kain tayo, sagot ko"

Sabi ni Danny


"Bibili ako ng regalo eh"

"Mamaya nayan Z"

Nahatak nila ako sa inuman hindi sa restaurant, tinamaan na ako nang alak at napakahirap  nang makipagusap sa mas lasing kong mga kaibigan.

"Umamin ka nga"

Sabi ni Harry

"Anong umamin? umamin nako diba?"

"Alam mo, dinala ka namin dito para malasing at magsabi ng totoo"

"Ano ba?"

"Na hindi ka bading"

"Bakit ba kasi pinagpipilitan nyo pa?"

Sabi ko

"Eh may gusto ka kasi kay Jam"


sabi ni Danny

"What are you saying?"

tanong ko

"Lalaki ako, alam ko yun Z, gusto mo si Jam pero may BF sya, tapos diba sabi mo aksidente kayong nagkiss kaya ka napaaming bading ka para di sila maghiwalay"

"promise Dan maniwala kayo"

pagcoconvince ko sa dalawa

"Wag kami Zion"

Sabi ni Harry habang tumatawa pa

Sige kung Gay ka, bottoms up mo to

"Sige"

Ininom ko ang alak, at bigla nalang akong nanlambot at nawalan  ng lakas, damang dama ko ang paginit ng katawan ko at tila sasabog ang utak ko

Kinabukasan ay nagising ako na nasa bahay na, kasama ang dalawang itlog

"Ouch ang sakit ng ulo ko"

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon