Chapter 5: Broken Heart

9 0 0
                                    

Jam's POV

Maaga akong pumasok para hanapin si Gino ngunit wala ito sa Music Room, wala akong idea kung nasaan sya

Naglalakad ako pabalik sa building ko nang masalubong ko ang team ni Zion

"Jam"

pag tawag ni Danny

"Danny"

"Totoo ba yung kumakalat na balita?"

"Na ano?"

Nagulat ako nang bulungan ako ni Danny

"Zion is Gay"

Nanlaki ang mga mata ko, alam kong si Gino ang may kasalanan

"No, he's not, sino naman nagsabi?"

"wala ako idea, nadinig ko lang din"

"Sa palagay mo ba gay si Zion?"

"Minsan"

Sabi nito sabay ngiti

"Ano kaba impossible"

Sabi ko

"Sige, ikamusta mo nalang ako kay Captain, balita ko nasa inyo sya eh, naitext nya samin kagabi"

"Oo, 3 days ang rest nya kaya next week na sya papasok"


"Ganun ba, meron pa namang 2 weeks bago mag bakasyon, next year na kasi ang game"

"oo nga eh, goodluck sa inyo, mauna na ako"

"Bye Jam"

Pag papaalam ni Danny


Sobrang na sstress ako sa nangyari, hindi marunong tumupad sa pangako si Gino, dala ng matinding selos kay Zion

Paano na?

Masakit ang ulo kong naglalakad papunta sa room ko, nang makita ko si Clarisse, magisa lang sya

"Tatanungin ko ba sya about Gino?"

bulong ko

tatakbo sana ako papunta sa kanya nang makita ko si Gino na humahabol sa kanya, kaya nagtago ako at pinagmasdan lang sila

Nakita kong binuhat ni Gino ang mga books ni Clarisse

"Hindi nya ba naalala na may girlfriend sya? hindi nya ba ako naiisip habang busy sya kay Clarisse? Nagaway kami pero hindi kami break para gawin nya sa akin to"

Muli nanaman akong naluha, hindi ko magawang komprontahin sila dahil sasabihin nanaman na nagseselos lang ako...

Bakit kasi sobra ko syang mahal at hindi ko kayang mawala sya sakin, kahit nagbubulag bulagan lang ako

"Tanga ka talaga Jam"

bulong ko.

Lunch Break, tinext ko si Gino na pipunta akong Music Club, nagulat ako nang magreply sya


"Sa Rooftop"

yun lang ang reply nya

Dali dali akong umakyat sa rooftop

"Babe can we talk?"

sinabi ko yun nang makita ko syang nakaupo sa sahig at nakasandal sa wall

"upo ka"

umupo ako sa tabi nya

"Anong sasabihin mo?"

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon