Chapter 15 : I love you Jam

10 0 0
                                    

Jam's POV

Dala ko ang cellphone at pungas pungas pa nang ilawan si Zion

"Andito nako wag kana matakot"

hindi sya sumagot, inilawan ko ang mukha nya at napansin ang pangangatog ng bibig nya, natakot ako sa itsura nya kaya agad ko syang hinawakan, mataas ang lagnat nya

"Zion, ang taas ng lagnat mo"

Hindi sya kumikibo, bumalik ako sa room para kumuha ng gamot, cool fever at digital thermometer sa medicine kit ko.

Inalalayan ko si Zion na uminom ng gamot

"Napasama pa yung babad mo kanina sa ulan, akala ko naman uminom ka ng gamot kanina"

"Thank you kasi nandito ka"

"Sige na matulog kana, nandito lang ako, yung cellphone ko full charge yan kaya may ilaw tayo, sira daw kasi ang generator eh"


"Kaya pala malamig, walang heater"

"Oo"

Pinatulog ko ulit si Zion, niyakap ko sya dahil giniginaw sya, madaling araw nang mapansin kong nakayakap sakin si Zion at feeling ko ay nagising sya sa paggalaw ko


"I love you Jam"

Sinabi iyon ni Zion at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nagpretend akong hindi ko iyon nadinig, bakit nya yun sinabi sakin?

Pinilit kong manatiling nakapikit dahil ayaw kong ma embarrass si Zion kapag nalaman nyang gising ako.

Maya maya'y nakatulog na ito, tsaka ko chineck ang temperature nya at bumaba na ang lagnat nya kahit papaano

Bumangon na ako para magluto ng soup for Zion, napapahinto ako kapag naalala ko ang sinabi ni Zion na mahal nya ako.

"Jameera, he's gay, wag kang magisip ng kung anu ano"

bulong ko

After ko magluto ay hinainan ko si Zion

"Kamusta ka?"

tanong ko

"Thank you Jam, ok na ako"

"Mabuti naman"

"Iba talaga pag ikaw ang nurse ko ang bilis kong gumaling"

biro nya

"Bolero"

Sabay kaming nagalmusal ni Zion, masaya ako dahil ok na sya

"Maulan padin pero sabi paalis na yung bagyo, kaya maganda umuwi na din tayo mamayang hapon"

"Sige, ikaw na bahala, susunod lang
ako sayo Jam"

"Ok"

Hindi ko alam kung tama ang itatanong ko

"Zion"

"Bakit?"

"May nangyari ba sa inyo ni Clarisse after ng Victory Party?"

Nagulat ako nang mabuga nya ang iniinom nyang kape sa gulat

"B-bakit mo naitanong yan?"

"Meron o wala lang"

"Ayokong sagutin yan"

sabi nya

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon