Chapter 25: Leaving You

8 0 0
                                    

Jam's POV


After kong magbihis ay bumama ako para sa hapunan, nakita kong naluluha si mom at tahimik naman si Dad


"Mom, Dad bakit?"

Tanong ko


"May dapat kang malaman anak"


"Ano po yun?"

Iniabot sakin ni Mommy ang envelop na binigay ni Mama Myrna


"Zion James Del Luna and Myra Hechanova, 99.999% related"

Bigla kong nabitiwan ang papel at nangilid agad ang luha ko


"Noooooooo"


Sigaw ko


"Anak,kumalma ka"


"Mommy Nooooooooooo! hindi kami magkamukha, magka height  or magkakulay"


sumisigaw ako at umiiyak, niyakap ako ni Mom


"Alam kong mahal mo sya pero hindi pwede"


"Mommy why? why is this happening to me? bakit mommy? Bakit?"


"Anak... tanggapin mo na lang"


sabi ni Dad


"Hindi yun ganon kadali Dad... mamamatay ako, hindi ko kaya!!!!"



"Jam"


Niyakap ako ni mom at walang tigil akong umiyak...


Lumipas ang ilang araw at hindi ako nakapasok, nakatulala ako at hindi makakain ng maayos.



"Anak, kailangan mo nang pumasok, maguumpisa na ang Practice nyo pra sa marching"




"Gusto kong makita si Zion Mommy"


"Jam.... tumahan kana"


"Mommy.. pwede bang mag pa DNA test ulit kami ni mama Myrna? kaya ba tinatanong ako ni Zion kung gusto kong ulitin yung test? kaya ba umiiwas sya sa akin?"


Naluha nanaman ako


"Anak, hindi natin alam, si Zion lang ang makakasagot nyan"



"Napakasama nya, alam nya na noon pa pero naging makasarili sya, hindi nya sinabi ng mas maaga"



Niyakap ako ni Mommy


"Anak, kilala natin si Zion, ayaw nyang nakakaabala, malihim sya at sinosolo nya ang problema, kaya pakiusap wag kana magalit sa kanya"



Tumahimik ako at umiyak ulit.


Zion's POV


Mabilis nalakad ni mama ang mga papel ko papuntang America dahil na din sa madami syang kakilala, hindi na din ako dumaan pa sa mahabang proseso



"Sigurado ka naba na ayaw mong umattend ng Graduation? paano si Jam?"


"Ma, gusto kong palipasin muna lahat"


"Sige, basta susunduin ka ng Papa mo"


"Opo"


Nagakakausap kami ni Papa kaya sabik na din akong makita sya, mauuna akong lumipad pa America at maiiwan si Mama para sa Graduation ni Jam


Hinatid ako ni Mama sa Airport at tuluyan ko nang nilisan ang lugar na puno ng ala ala..



Jam's POV


GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon