Chapter 2: Wrong Sent

19 0 0
                                    

Jam's POV

Malalate na ako kaya nagmadali akong gumayak, simple lang ang pamumuhay ko compare to Zion, may Family Business kami pero maliit lang, nakakapasok lang ako sa University dahil sa Scholarship.

"Mom, I'll go na"

"Anak, kumain ka muna"

"Ok lang mom"

"Oh, baon mo, bigyan mo si Zion ah, nagsabi kasi ang tita Odette mo na walang kasama si Zion kaya worried sya na baka puro daw sa Milktea at fries ang kainin"

"Haha, ok po mom! Thank you"

"Ingat ka anak"

Umalis ako nang bahay at dali daling sumakay ng tricycle, madalang kasi ang taxi sa lugar namin.

Dumating ako sa room nang pawisan at pagod na pagod

"Huy! daig mo pa nag basketball sa pawis mo hahaha"

Pangaasar ni Zion

"Grabe ka Zion, muntik na nga akong malate eh"

Biglang dumating ang Prof namin

Si Zion at ako ay classmates, Nursing din kasi ang course na kinuha nya para daw magkasama kami, hindi alam ng lahat na laking ampunan kami at mga ampon, si Gino lang ang taong tumanggap noon.

Matapos ang class ay iniabot ko kay Zion ang food na prinepare ni mommy

"Oh, kumain ka daw sabi ni Mommy"

"Wow, ang bait talaga ni tita"

"Syempre"

Tsaka ko palang nabuksan ang phone ko at nakatanggap pala ako ng text from Gino

Excited ako na basahin iyon

Zion's POV

Habang kumakain ay napansin ko ang pananahimik ni Jam, hawak nya ang phone nya at tila na Stun sya sa mga nabasa nya

"Huy! kain na"

pag aalok ko

Hindi sya kumikibo

Hinila ko ang balikat nya paupo sa tabi ko at binuksan ang baon nya

"Kapag hindi ka kumain uubusin ko yo"

"Ubusin mo"

Pagsusungit nya

"Hay! babae ka! ano bang nangyari sayo?"

Nagulat ako nang sunud sunod nyang isinubo ang kanin at ulam hanggang lomobo ang pisngi nya.. tsaka sya umiyak

"Hala bakit?"

gulat na gulat ako sa pagiyak nya

"Wag mo akong pansinin"

Humahagulgol sya ng iyak

"Patingin ako ng phone mo"

sabi ko

"Wag"

Pilit nyang itinataas ang kamay nya at inilalayo ang phone nya

"Akala mo naman mailalayo mo sakin yan, ang liit liit mo"

Naagaw ko ang phone nya at binasa ko ang text mula kay Gino

"Galit ka padin sakin? sabi ko naman sayo na close friend ko lang yun, kababata ko yun"

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon