Chapter 3 : Accidental Kiss

15 0 0
                                    

Jam's POV

Nanlaki ang mata namin pareho, parang may magnet na nakadikit sa amin at tila ayaw kaming paghiwalayin

Si Zion, nasa ilalim ko at ako nama'y nasa malapad nyang dibdib, nagtama ang mga mata namin habang ang mga labi namin ay ayaw umalis sa pagkakadikit

"Jam?"

Nagulat ako sa isang boses na familiar sa akin, pag lingon ko ay si Gino

"G-Gino"

Nagulat ako nang napaupo si Zion at hindi alam ang gagawin, ganoon din ako

"Anong ibig sabihin nito?"

"Aksidente lang babe"

sabi ko

"Ok lang ba kayo?"

Tanong ni Mommy

"Opo"

"Huminahon ka Gino, accident lang daw"

Sabi ni Mom

Tatakbo si Gino palabas nang hawakan ko sya

"Babe believe me, that was an accident"

"Wag ako Jam"

"She's right"

Pagsasalita ni Zion

Nagulat ako nang suntukin sya ni Gino

"Gino, Zion"

Napasigaw si Mommy

"Ano? susulutin mo si Jam sakin?"

galit na galit na sinabi ni Gino

"Babe tama na"

sabi ko

"Magsama kayo"

sabi ni Gino

Nagulat ako nang habulin ni Zion si Gino at sabihin ang mga salitang hindi ko inaakalang sasabihin nya

"Gino, wag kang magselos... Bakla ako"

Gulat na gulat ako sa sinabi ni Zion, bakla sya? hindi maari

"Tss... ngayon gagaguhin mo pa ako"

Inialis ni Gino ang kamay ni Zion sa braso nya at tuluyan syang umalis

"Don't follow me"

Sabi sakin ni Gino na halatang dismayado sa mga nangyari

Balot nang katahimikan ang silid, nagpasya si mom na umalis muna, naiwan kami ni Zion sa kwarto

"Zion, bakla ka?"

"Wala akong balak sabihin, pero wala akong magagawa dahil ayaw kong maghiwalay kayo dahil sakin"

"Pero dapat hindi mo sinabi, pano kung kumalat sa school? captain ka ng varsity pano kung malaman nila at bullyhin ka"

"Kaya ko ang sarili ko"

"Zion, hindi mo dapat sinabi yon"

"Tapos na"

Napaiyak nalang ako bigla, galit sa akin si Gino at umamin si Zion na gay sya, hindi ko sya ikakahiya pero galit sa mga bading ang mga lalaki sa school, kaya walang gay sa School dahil sa bullying na nangyayari

"Wag ka nang umiyak"

"Anong gagawin ko?"

"Maiintindihan ka ni Gino"

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon