Chapter 4 : Lover's Quarrel

13 0 0
                                    

Jam's POV

Hindi pumasok si Zion sa School nagaalala ako sa kanya pero hindi ko naman sya pwedeng puntahan dahil baka magalit si Gino


Paglabas ko sa school ay isang taxi ang huminto, bumaba doon si Zion


"Zion?"


"Jam"


"2PM na tapos na ang class natin ngayon, bukas pa tayo mag 3-6PM"


"Ah, may practice kami, Si Gino?"


"Wala syang afternoon class pag tuesday, 9AM palang umuwi na yun"


"Ay oo nga pala, pauwi kana? ingat ka ha"

"Sige"


Hindi muna ako umuwi, nagalala kasi ako sa kanya, kaya palihim akong nagpunta sa Gym

Naka Tshirt sya at nakapatong ang Jersey, baka dahil sa pasa nya


"Cap, ok ka lang? diba sabi naman namin na magpahinga kana?"


"Malapit na yung laban natin"


"Z, umuwi kana muna mas lalo kang di makakalaro kapag hindi ka gumaling"

sabi ni Harry na kaibigan nya


"Sige, isang game pwede?"


"Oh isa lang ha"

Naglaro sila, hindi talaga ako magtataka kung bakit sya ang Team Captain, sobrang galing nya talagang magbasket ball

Biglang nagtext si Gino

"Babe, may lakad kami nila mommy, hindi ako makakapunta sa inyo tonight, sorry"

"Take your time babe, i love you"


reply ko

Hindi na nagreply pa si Gino

Nang makasiguro ako na ok na si Zion ay nagpasya na akong umalis.


"Nagalala pa ako"

Palayo na ako sa Gym nang may tumakbo ng mabilis naka jersey at pawis na pawis

"San pupunta si Danny?"


Naisip kong bumalik para tingnan

Nakita ko si Zion na nakahandusay sa Court, pilit ginigising ng team, hindi ko alam ang gagawin ko, nataranta ako

Dali dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nya


"Uy Sakto may Nurse"


"Sira! ano nangyari?"


tanong ko

"Bigla syang natumba"

Chineck ang pulso nya at napansin ko na nilalagnat sya

Maya maya'y dumating ang isang car na galing sa clinic


"Sorry wala ang ambulance kaya ito na dinala ko"


Sabi ni Nurse Ben

binuhat nila si Zion sa Car at dinala sa clinic ng School


"Ms. Castro, nacontact mo naba ang parents ni Mr. De Luna?"

"Hindi po sila sumasagot"


"Sige, uubusin lang ang dextrose at pwede na sya umuwi, make sure na magpapahinga sya ng 3 araw, mataas ang lagnat nya and we found some bruises, hindi ko sya makausap para maitanong kung bakit"


GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon