Chapter 26 : Soon To Be Mrs. Hechanova

31 1 2
                                    

Jam's POV



It's been a month, hindi na kami nagkita, I wonder how is he and if he received my messages.



"Anak, magiingat ka ha?"




"Opo Mommy, uupdate ko po agad kayo kapag nagkita na kami ni Tita sa Japan"

"Sige, enjoy your vacation anak"

"Opo mommy, salamat po talaga"

Lumipad ako papuntang Japan, pangarap ko kasing magpunta dito, Inipon ko ang perang pinangpunta ko dito at talagang excited na ako, kahit ako lang magisa.

Tinagpo ako ng kapatid ni Mom na isang Apartment owner, at doon ako mag sstay for 2 weeks.


Pag dating ko sa Japan ay sinundo agad ako ni tita at hinatid sa tutuluyan ko

"Let me know Jam kung may kailangan kapa ha?"

"Salamat po Tita"

Nakadama ako bigla ng lungkot nang makita ko ang bakanteng silid,

"I wish you are here"

bulong ko sabay patak ng luha.

1 Linggo akong hindi nagbukas ng Kahit anong social media account dahil sa isang buwan akong nagantay maski kay Mama Myrna at talagang umasa ako na magrereply sya pero nabigo lang din ako.

Binuksan ko ang Messenger ko para i inform si mommy na nakarating ako ng maayos, nag video call kami sandali.

Pagka off ko ay syang kita ko sa isang unread message 1 week ago, galing kay Zion.

"Jam, my love thank you for finding the truth, I'm really sorry for being weak, selfish and coward, I'm so lonely that I almost end my life when I found out that we were related, parang nawala ang pangarap kong bigla, and I feel so guilty everytime you cry in front of me, If I could take all your pain I will take it. Gustong gusto kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal... Please forgive me for leaving you without even saying goodbye, forgive for letting you go so easily"

Naluha nanaman ako

"Hay! dapat nageenjoy ako, pangarap kong makapunta dito! "

Sabi ko sabay punas ng luha

Nireplayan ko si Zion ng

"Okay"

Dahil medyo masama padin ang loob ko, hindi naman sya uuwi dito agad agad para sakin.

Lumabas ako sa Apartment at tiningnan ang Map, Last day ng Spring ng Japan kaya susulitin ko ito...

Pinuntahan ko ang Showa Memorial Park na puno ng tulips

"Woooooow ang ganda"

sobrang amazing at naluluha pa ako hindi ko alam kung bakit ako biglang naiyak at naupo sa bench

"I miss him so much"

Sabi ko



Zion's POV

Hindi nagreply si Jam kaya si Tita ang kinulit ko, nagsorry ako sa lahat at naintindihan nya naman ako, sinabi nya na aalis si Jam para sa 2 weeks vacation sa Japan



Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinausap si Mama

"Mama, pupunta po akong Japan"

"Biglaan anak?"

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon