Chapter 16 : Blackmail

12 0 0
                                    

Zion's POV

Lumipas pa ang ilang araw, oras na para bumalik sa reyalidad.

Paguwi ko sa bahay ay binuksan ko ang phone ko na may halos 20+ na mensahe.

puro "nasan kana?" ang mga nabasa ko mula sa dalawang itlog.

Sumapit ang araw ng lunes, handa na akong bumalik sa school dala ang medical certificate na pinagawa ko, kunwari ay nagkaroon ako ng sakit  at depression para mavalidate ang pag absent ko sa class.

Masaya ako dahil kinamusta ako ng mga professors ko kaya hindi na ako mahihirapan pang mag sinungaling

Isa nalang ang bagay na ikinatatakot ko, ang makita si Jam na labis ang galit sakin

Pag pasok ko sa classroom ay si Jam agad ang nakita ko, nagkatinginan pa kami sa mata ngunit bigla syang umiwas ng tingin, umupo ako sa tabi nya dahil doon ako nakaupo

Awkward, hindi kami nagpapansinan at dahilan para tuksuhin kami sa class

"LQ kayo?"

pangaasar ni Shaira

hindi ako umiimik at isinubsob ang mukha ko sa lamesa, hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Jam

Lunch break na, bumili lang ako ng tinapay dahil sa wala akong gana kumain, nagpunta ako sa tambayan namin ni Jam at nadatnan ko sya dun

"Jam"

sabi ko

Hindi nya ako kinikibo at tuloy padin sya sa pagkain

"Sorry na, please oh pansinin mo na ako, ikaw lang ang meron ako ngayon"

Nakita kong niligpit nya ang gamit nya

"Ah, sige alis na ako, wag kana umalis... ako.nalang aalis"

Sabi ko

Iniwan ko ang tinapay na kakainin ko sana, dahil alam kong favorite nya yun.

Uwian na  at dahil coding ay magcocommute ako, pag daan ko sa isang lumang warehouse ay hinarang ako nila Gino

"Bakla"

sabi nito sabay sapak

"Gino, hindi ako papatol sayo"

Nakita kong nagtatanggal ng sinturon ang 3 lalaking hindi naman namin classmate dahil matatanda na ito

"Bakla ka diba? papatapos na kita sa mga to"

Hinawakan ako ng isang lalaki sa kamay, kaya lumaban ako, nakipagsuntukan ako sa kanila kahit pa apat sila ay hindi ako natatakot

Suntok, sipa ang natamo ko, naging kulay pula ang uniform kong puting puti at putikan na ang aking sapatos

"Yan ang bagay sayo sa paggalaw mo kay Clarisse"

"Hindi mo ba matanggap na ako ang gusto nya?"

pangaasar ko kay Gino

Dahil doon ay nakatanggap ako ng suntok sa sikmura

"Kapag nakarating to sa School, hindi kana makakagraduate Gino"

sabi ko

"Sige, isumbong moko, pero ikakalat ko ang sex Video namin ni Jam"

"Walang hiya ka!"

sigaw ko

"Manahimik kana kasi Zion, pasalamat ka at hindi ka mapupwetan ngayon, wish granted ka sana, hahahaha"

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon