Chapter 9 : Meeting the Muse

7 0 0
                                    

Zion's POV

After Two Weeks of Vacation, back to school na kami, Umalis ako sa bahay noong New Year nagcelebrate ako sa Ampunan kung saan ako galing, hindi ko na niyaya si Jam dahil abala sya sa Family nya

After namin magpunta ni Jam sa Province ay binuksan ko ang laptop At binasa ang email ni Mommy

Nagsosorry sya sa akin sa mga nangyari, wala daw syang magawa dahil buntis sya, pumayag syang sumama sa Ibang bansa para hindi na daw ako masaktan ni Tito, babalik sila kapag nakapanganak na si Mom, at iniwan nya ang susi nang Car, nabanggit nya din na nasapagawaan pa iyon.

Nagpasalamat ako kay mom sa lahat lahat, ilang months nalang ay gagraduate na ako.

Kinuha ako ang Car sa Pagawaan kaya magagamit ko na ulit pagpasok.

Dumiretso ako sa Classroom at ang ganda nang bungad ni Jam sa akin

"Zion! happy New Year, bakit hindi ka nagsabi pumunta sa Orphanage?"

"Wag mo na yun isipin, mahalaga nakasama mo naman sila tita at tito"

"Ang daya mo naman kasi eh"

"Oh sige, punta tayo mamaya?"

"Wow! sure"

After Class ay nagpunta kami sa Orphanage

"Sister!!!"

Tumakbo si Jam at niyakap si Sister na nagalaga sa amin

"Jam, namiss kita kamusta? buti at isima ka ni Zion, dito sya nagnewyear"


"Naku madaya po yan"

"Hahaha, hayaan mo na mahalaga andito kayo"

Naglalakad kami nang may nasalubong kaming matandang babae, napalingon agad ako sa kanya, hanggang tuluyan na itong nawala papalayo

"Matanda na po yun, magaampon padin?"

"Ah, hindi may hinahanap kasi syang bata, eh wala namang batang tumutugma sa kwento nya, wala din kasi syang picture"

"Ah, kamaganak nya siguro"


"Ang sabi ni Sister Mabel, anak nya daw.. ninakaw ng maid nila dahil sa depression, tapos etong maid nang mahuli 3 years ang makaraa'y wala na sa katinuan kaya ilang taon na daw syang naghahanap sa anak nya"

"kawawa naman po pala sya"

sabi ni Jam

"Oo nga eh, ipinagdadasal ko na magkita na sila"

Jam's POV

Napansin ko ang pananahimik ni Zion

"huy tahimik ka"

" ah wala, naisip ko lang pano kung magulang mo sya, o magulang ko sya?"

"Yung babae?"

tanong ko

"Oo, di mo ba yun naisip?"

"Sa dami ng bata sa bansa natin, maswerte sya kung mahahanap nya ang anak nya"

"Diba ang sabi mo sakin, 3 years old ka nang mapunta dito?"

sabi ni Zion

"Oo, pero sabi ni Sister, patay na ang magulang ko kaya tita ko ang nagdala sakin dito"

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon