Chapter 1 : Yellow Ribbon

40 1 0
                                    

Jam's POV

Sa wakas nakita ko na din ang boyfriend ko na laging busy, niyaya ko sya sa room para kumain

"Babe, kamusta yung studies mo? mukang busy ka this past few days ah"

Tanong ko kay Gino habang kumakain kami ng sabay

"Ok lang babe, busy ako sa Music Club"

Sabi nya

"I see, hmmm.. date naman tayo please?"

pag papabebe ko

"Titingnan ko"

"titingnan pa? ang hina ko naman sayo, Pwede ba ako pumunta sa Music Room later?"

sabi ko

"Wag na babe, masyado malayo sa building mo, tsaka kailangan mong umuwi ng maaga diba? hayaan mo sa weekend lalabas tayo"

Si Gino ay Graduating na din sa course na Music Education, ako naman ay graduating na din sa course na Nursing, boyfriend ko sya since First Year College, sweet at gentleman si Gino at talagang habulin ng girls, swerte ako dahil sa dami ng babaeng gusto sya ay ako ang nagustuhan nya

"Babe, malapit na anniversary natin ah"

sabi ko

"Don't worry babe, hindi ko nakakalimutan"

Sinubuan ko sya ng isang kutsarang kanin.

"Talaga lang ha, hmmm kain kapa babe"

"By the way, uuwi ako ng province sa Holiday, mga 2 weeks siguro ako mag sstay doon"

Sabi ni Gino

"Ang tagal, so wala ka pala this Christmas no? sayang naman"

"Babawi ako, madami pa tayong Christmas na pagsasamahan"

Sabi nya

"Hay!!! 3 weeks nalang bakasyon na"

"Yes"

"Next year gagraduate na tayo, matutuloy na yung dream natin magwork sa Japan"

Tumahimik si Gino, siguro ay hindi pa sya ready na pagusapan ulit yung bagay na iyon.

"Ahm babe... time na.. i need to go I love you, wag kana pumunta sa Music Room ha"

sabi ni Gino

"Ok Babe.. bye!"

Pagpapaalam ko sa kanya.

Pag alis ni Gino ay biglang may nagbukas ng pinto, naka Jersey na kulay dilaw at pawis na pawis

"Uy ano yan?"

Lumapit ito at inubos ang natira kong pagkain

"Zion! kadiri ka talaga"

"Bestfried kita since pagkabata, kung ano kinakain mo ganun din ako! arte neto"

"Eh bata pa tayo nun"

"Ang damot mo naman"

Sabay kamot nya sa ulo

"Meron naman kasi talaga akong dalang food for you, haha!"

Sabi ko

"Meron naman pala hinayaan mo pa akong kainin  tong food mo"

"Ok lang atleast walang tira diba? haha"

GAY or not GAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon