Chapter 8

6.5K 202 34
                                    

"Hoy, Sais! Kanina pa kita tinitignan at alam mo ba na para kang tanga d'yan na nakangiti mag-isa? Sino ba 'yang ningingitian mo sa labas ng bintana?"


Tinignan ko nang masama si Flynn dahil sa sinabi niya. Nananahimik ako dito sa gilid tapos ako na naman ang nakita niya! Ako na lang lagi!


"Oh, bakit ka ganyan makatingin? Totoo naman ang sinasabi ko, ah. 'Yong totoo, anong tinitira mo sa gabi?" Dagdag pa ni Flynn.


"Baka may nakikita siyang hindi natin nakikita dyan sa bintana? Baka may humihingi na sa kaniya ng hustisya." Kinikilabutan na sabat naman ni Winter. Parang tanga, ah!


Napatirik na lang ako ng mga mata at hindi na sila pinansin. Kapag kasi pinansin mo pa ang mga sinasabi ng dalawang unggoy na ito maii-stress ka lang. Saka anong pinagsasaabi nilang nakangiti ako mag-isa? Hindi naman ako nakangiti, ah.


Tumayo na lang ako at nag-inat. Bigla kasi akong tinawag ng kalikasan. Aalis na sana ako nang pigilan ako ni Flynn na pinagtaka ako.


"Saan ka pupunta? Uy, wag kana mag-cutting darating na si Ma'am." Nakatikim siya ng batok mula sa akin.


"Aray kooo! Bakit ka ba nangbabatok?!" Nakasimangot na bulyaw niya sa akin habang kinakamot ang ulo niyang binatukan ko.


Lahat na ata nang galaw ko pinapansin ng babaeng 'to. Hindi ko na lang siya pinansin ulit at pati na rin ang mga nagtatakang tingin no'ng tatlo at lumabas ng classroom.


Wala pa naman si Ma'am kaya p'wede pa akong lumabas. Ihing-ihi na kasi talaga ako at hindi ko na kayang pigilan at baka mapaihi pa ako sa upuan ko kung hihintayin ko pa na dumating si Ma'am para mag-paalam. Edi, napahiya na naman ang kagandahan ko sa kaniya.


Tumungo ako sa pinakadulo ng hallway kung nasaan ang restroom. Each floor of this building kasi has its own restroom kaya hindi mo na kailangan pa pumunta sa ground floor para umihi.


Walang tao sa loob nang makarating ako r'on. Usually kasi pagkapasok mo ng restroom lagi mong makikita ang mga babaeng estudyante na nagkukumpulan sa loob para maglagay ng kung anu-ano sa mukha. Wala naman akong problema doon, sinasabi ko lang.


Naiirita lang ako kapag gano'n ang naabutan ko sa loob. Alam niyo 'yong ihing-ihi kana pero di ka makaihi kaagad dahil sa dami nila sa loob tapos ang iingay pa. Nahihiya na lang bigla pantog ko, eh.


Pagkatapos kong umihi naghugas ako ng kamay at naglagay ng hand sanitizer. Inayos ko rin ang pagkaka-tucked in ng white shirt ko sa suot kong trouser.


Napapangiti na lang ako habang nakatingin sa salamin. Sino bang hindi mapapangiti kung ganito ka kaganda?


Hindi na rin masyadong halata ang pasa ko sa mukha na tinamaan ng bola kahapon. Hindi naman siya nakabawas sa kagandahan ko pero ang pangit pa rin niya tignan.


Hindi ko pa rin alam kung sino ang may gawa nito maski sila Flynn ay hindi rin alam dahil nag-panic daw sila nang mawalan na ako ng malay kaya hindi na nila nakita kung sino ang salarin.


Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang may gawa nito sa mukha ko dudurugin ko talaga siya. Tsk! Ang lakas makapangit eh.


Nang okay na ako sa itsura ko lumabas na ako. Napatingin ako sa suot kong relo at may limang minuto pa bago magsimula ang klase namin kaya dali-dali akong naglakad pabalik ng classroom. Baka kasi maunahan niya ako, ayaw na ayaw pa naman ni Ma'am ng late.


Malapit na sana ako sa classroom namin nang may humarang sa daan ko.


"Krys?" Nakatayo siya sa harapan ko habang parang maiiyak ang itsura kaya bigla akong nag-alala.


Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon