Chapter 14

6.6K 197 12
                                    

Nagising ako nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Bumangon ako saka sumandal sa headboard ng kama habang sapo ang ulong nagsisimula nang kumirot.



Sabi ko kagabi hindi ako iinom pero walang hiya kasi si Zayin nilasing ako. Ang alam ko lang nagku-kwentuhan kamiNG apat pero hindi ko napansin na naparami na pala ang inom namin.



Mas lalong kumirot ang ulo ko nang mag-ingay ang alarm clock kong nasa gilid ko. Padabog kong kinuha ito at pinatay. Parang hindi ko ata kayang pumasok ngayon. 



Hindi na talaga ako uulit iinom!



Tumayo ako at isa-isang tinanggal ang mga damit ko saka itinapon na lang basta ang mga ito. Nagtaka pa ako nang makitang hindi ito ang suot ko kagabi. 



Sa pagkakatanda ko wala naman naghatid sa akin pauwi kahapon dahil mas pinili kong si Zayin na lang ang samahan nila Flynn at Winter para ihatid pauwi. Si Andie kasi busy kagabi at hindi niya maiwan ang SAXE.



Nagpapasalamat na lang talaga ako kay Lord dahil nakauwi pa ako ng buhay sa sobrang kalasingan ko kagabi. Gano'n talaga siguro kapag maganda matagal kinukuha ni Lord.



Papasok na sana ako sa cr nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya nanlaki ang mga mata ko nang pumasok si Sevyn. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya agad ko na lang na kinuha ang comforter at itinakip sa katawan ko. Buti na lang  hindi ko pa tinatanggal ang underwear ko.



Mabilis na namula ang buong mukha ko nang mapansin na titig na titig ito sa akin kaya humigpit ang pagkakahawak ko sa comforter na tumatakip sa katawan ko.



Hindi ba siya marunong kumatok?!



"B-bakit k-kaba biglang p-pumapasok?!" Nahihiyang tanong ko at  agad din akong umiwas ng tingin.



Paano ba naman kasi  kung makatingin parang tagos na tagos sa pagkatao ko. Hindi man lang ito nag-abalang umiwas ng tingin sa akin. Buti na lang confident ako sa katawan ko. Pero nakakahiya pa rin!



"I just want to wake you up but you're already awake." Sagot nito. Sumandal pa ito sa pinto at pinag-krus ang mga braso sa dibdib niya.



"G-gising na ako. P'wede kana pong lumabas." Taboy ko sa kaniya at pilit iniiwasan ang tingin niya.



Para kasing wala lang sa kaniya ang nakita niya samantalang sobrang kahihiyan naman ang nararamdaman ko ngayon.

Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon