Warning: 🔞
Nagising ako nang may maramdaman akong malambot na bagay ang dumadampi sa labi ko kaya bumaling ako sa kabila at niyakap ang unan sa tabi ko. Ilang sandali pa naramdaman ko naman na may humahaplos sa pisngi ko kaya naiiritang tinabig ko ang kamay nito.
Kitang natutulog 'yong tao tapos mangiistorbo?!
"Bear, you need to wake up, we have class today."
Inaantok na minulat ko ang mga mata ko habang kinikilala ang taong nasa harapan ko at dahil isang mata ko lang ang nakamulat kaya nahirapan akong kilalanin ito.
"S-sino ka?" Inaantok na tanong ko at tuluyan ko na ngang naimulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang kamay niyang humampas sa braso ko.
"Seriously, Bear? After we've done last night you forgot about me?" Masungit na wika nito at gigil na kinurot ang pisngi ko kaya tuluyan nang nagising ang diwa ko.
"Aray ko naman!" Nasasaktang reklamo ko at bumalikwas ng bangon. Sisipain ko sana ito pero nakilala ko ito.
"Sevyn? Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?" Naguguluhan na tanong ko pero nagtaka ako nang hindi ito sumagot kaya sinundan ko kung saan nakatingin ang mga mata niya.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung saan siya nakatingin kaya kaagad kong kinuha ang comforter sa tabi ko at ibinalot sa sarili ko.
"S-sevyn naman! A-ano ba 'yang tinitignan mo at saka bakit ako nakahubad?!" Nahihiyang tanong ko at ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa magkabilang pisngi ko.
Kumurap-kurap naman siya saka tumikhim. "Don't you remember what happened last night?" Tanong niya.
Nangyari? Bakit ano bang nangyari ka-?
"Sevyn, maaawa ka sa akin! Virgin pa ako, hindi pa ako p'wede gumawa ng bold. Baby pa talag- araaaay!"
"Bear, don't shout!"
"Eh masakit, eh! Bakit mo kasi binigla?!"
"Please, keep your mouth shut. You have to trust me, okay? I won't hurt you."
"O-okay."
Nakagat ko nang madiin ang ibabang labi ko nang makuha ko ang sagot sa tanong ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Pakiramdam ko pulang-pula na ang buong mukha ko.
"H-hindi ba panaginip 'yon?" Nahihiyang tanong ko habang hindi makatingin ng diretso sa kaniya.
Ikaw pa may ganang mahiya ngayon, Sais? Pagkatapos mong sabihin na aanakan mo siya.
"What do you think?" Mataray na tanong niya.
Bakit nagtataray? Nagtatanong lang naman ako. Hmp
"Lumabas ka nga muna para makapagbihis ako." Taboy ko sa kaniya.
"This is my room." Sagot niya dahilan para ilibot ko ang paningin ko sa buong paligid namin at nakitang nasa kwarto nga niya talaga kami.
"Kahit pa. Sige na, lumabas kana muna kasi." Pilit ko pa sa kaniya pero hindi ako nito pinansin.
Pinasadaan ko siya ng tingin. Mukhang katatapos niya lang maligo dahil naka-bathrobe lang siya at basa pa ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
Syx And Sevyn's Story (Seulrene) (Minor Revision)
Fiksi RemajaMarried life of Syx and Sevyn. (2024 version)